Nagngingitngit ako sa inis habang nagtitipa ng mensahe kay Isaiah. Sampung beses na akong nagtetext sa kanya ngunit ni isang beses ay hindi pa siya nagrereply. Sa inis ay napaupo ako sa hagdan sa labas ng bahay. Nasaan na ba ang lalaking 'yon! Ang sabi niya alas sais niya ako susunduin pero anong oras na! It's almost seven! My goodness!
Sigurado at nag simula na ang party at late na ako. Kung alam ko lang sanang mag drive ay kanina ko pa ginamit ang Pajero ni Papa. Mag cocomute na sana ako kaso ay wala ng mapagsasakyan ng ganitong oras papuntang Poro. God! Ayoko namang mag tricycle ng ganito ang suot.
I'm wearing a white floral dress. Spaghetti strap na haggang kalahati ng hita ko ang haba. May kataasan ang heels ko at ang kulay itim kong purse. Hindi na ako nag abalang mag make up at makapal na dark pink lipstick lang ang linagay ko.
Napatayo ako at hinila pababa ang dress ko ng may bumusina. Salubong ang kilay kong binuksan ang pintuan ng Prado ni Isaiah.
"Where have you been! My God... we're freaking late!" anas ko at padabog na sinara ang pintuan ng makaupo.
"Dahan dahan ka naman sa sasakyan ko! Tss. Inasikaso ko pa 'yong chick ko." sagot niya at pinaandar na ang sasakyan.
Inikutan ko siya ng mata at hindi pinansin. Itinuon ko ang pansin sa labas. Tinawanan niya ako at inon ang stereo ngunit pinatay ko iyon. Bad trip! Sana naman ay sinabi niya na meroon siyang gagawin ng hindi ako naghihintay na parang tanga.
"Hey, Rosalyn, chill! You're acting like my girlfriend." tumatawa parin siya ngunit hindi ko parin pinansin.
Tss. Bahala siya. Sana ay hindi niya ako dinadamay sa kalokohan at pangbababae niya. Kinalma ko ang sarili. Hinawakan ko ang kulay yellow na paper bag, regalo ko kay Tita. She had everything... sana ay magustuhan niya ang regalo ko kahit simple lang. I always suck on gifts.
Nang makarating kami sa bahay nila Samson ay mabilis akong lumabas. Nagsimula akong kabahan at nangatog ang binti ko. Nandito nanaman ako sa bahay nila. Sinabi ko sa sariling hindi na ako babalik dito... but here I am, stepping on their green grass.
"Rosalyn!" umikot ang mata ko ng muling tinawag ni Isaiah ang pangalan ko. Inis parin ako!
Kinagat ko ang ibabang labi ng makita ang ilang bisita. Batid kong mas konti sila ngayon kaysa sa huling birthday niyang nadaluhan ko noong kami pa ni Samson. That was two years ago, anyway. Kumakain na sila, nakaupo sa may round table. May maliit na stage sa harapan at kita ko ang isang emcee doon.
Ginala ko ang mata sa paligid. Hindi ko makita si Tita Marites para sana batiin at ibigay ang regalo ko. Naglakad pa ako mga sampung hakbang. Natigilan ako ng mahagilap ng paningin ko ang mga magpipinsang Ortega sa isang long table. Nalaglag ang panga ko ng makita si Samson katabi si Talia.
Nagtatawanan silang dalawa at may kung anong binubulong si Samson aa tenga niya. Parang kinurot ang puso ko sa nakita. So, they were back together? Ito ang kondisyon ko hindi ba? Ito ang gusto kong gawin niya. Dapat matuwa ako na sinunod niya ang sinabi ko. Pero bakit kabaliktaran nito ang nararamdaman ko. Bakit, Rosalyn?
"Rosalyn, I'm sorry okay? Kausapin mo naman ako." napatingin sila sa gawi ko ng sumigaw si Isaiah. Gulat si Samson pati si Talia, taliwas ang mukha ng mga pinsan niya. Shit. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi.
"Naglaro kami ni Roselle, I am lost." dugtong pa ni Isaiah na ngayon ay nasa tabi ko na. Hindi alintana ang mga pinsan niya.
"What? At least you texted me!" inikutan ko siya ng mata ngunit nginisian niya lang ako. Hinila ako palapit sa mga pinsan niya.
"Ate Rosalyn! Mabuti at nakarating ka," anas ni Salve. Nakangiti siya ng wagas saakin.
"Oo naman. Nalate lang ako... 'yong isa kasi diyan." parinig ko kay Isaiah ngunit muli niya akong tinawanan at pinanghila ng upuan. Umupo ako, tumabi naman siya saakin.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...