Kabanata 9

2.6K 60 3
                                    

Merry Christmas! :)

Hindi ko na alam kung ilang minuto akong tulala sa kwarto ko matapos akong iwan ni Samson. Dinala niya ang utak ko sa malalim na pag-iisip. What does he mean? He's still love me? Bakit niya sinabi ang mga bagay na 'yon? May girlfriend na siya. How could him say those words? Nag-aalala ako para kay Talia. Natatakot ako. Natatakot ako na baka matulad rin siya saakin. Na sa huli ay iiwan din siya ni Samson katulad ng ginawa niya saakin.

Napabuntong hininga ako. Kailan kong makausap si Samson. Kailan kung kumpirmahin sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Napailing ako. Hindi totoo ang narinig ko. Wala siyang karapatang diktahan ang nararamdaman ko sa tuwing lalapitan niya ako. Kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya dahil may kanya kanya na kaming buhay. He have to make it up with Talia. Kailangan niyang humingi ng tawad sa kanya sa pang-iiwan niya ito sa bahay nila.

"Anak, inatake ka daw ng allergies mo." nabalik ako sa katinuan ng bigla na lang pumasok si Mama sa kwarto ko. Ngumiti ako ng pilit ng umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Sorry, Ma, nakakain kasi ako ng may halong manok. Nakainom na po ako ng gamot. Mawawala rin ito mamaya." tinanggal ko ang jacket at linapag sa upuan. Mamromroblema pa ako kung paano ko ito ibabalik kay Samson.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, Rosalyn, dapat nagbabaon ka ng pagkain mo. Ang tigas ng ulo mo, ayaw mong ipaghanda kita ng makakain!"

"Ma, ayos na po ako. Promise, hindi na po mauulit." napabuntong hininga si Mama.

"Hala sige, bumaba ka na, hinihintay ka ni Felix sa sala." nanlaki ang mata ko sa narinig.

"N-narito po siya? Kailan pa, Ma, ngayon niyo lang sinabi!" nag harumentado ako sa narinig at naglabas ng pangbahay para magpalit. Nanginginig ang kamay kong humuhugot ng pajama. Shit! Paano kung nagkasalisi nila ni Samson sa daanan? Teka, alam ba niya ang itsura ng sasakyan ni Samson? Diyos ko!

"Kararating lang niya, sinundo ako sa salon. Hindi ko matawagan si Ronnie kaya siya ang tinawagan ko." nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Thank God! Ang buong akala ko ay kanina pa siya nandito at baka naabutan niya si Samson.

"Pakisabi na lang po na pababa na ako. Magpapalit lang ako." hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Mama at tinahak ang banyo.

Nang maayos ko ang sarili ay bumaba na ako. Naabutan ko si Felix sa may sofa habang kausap si Roshan. Nang makita niya ako ay kaagad niya akong linapitan at dinampian ang noo ko.

"Sabi ni Roshan ay inatake ka daw ng allergies mo." may bahid ng pag-aalala ang tono ng boses niya. Hinila ko siya paupo sa sofa. Tumabi ako kay Roshan.

"May nakain akong manok. Sorry," napayuko ako at pinagsiklop ang daliri ko.

"Ayos ka na? Rosalyn, nag-alala ako. Uminom ka na ng gamot?" inangat ko ang ulo at ngumiti.

"Oo, tapos na. Sinundo mo daw si Mama?" pang-iiba ko ng usapan. Baka saan pa mapunta ang usapan namin at ayokong banggitin sa kanyang hinatid ako ni Samson.

"Yup. Pupunta talaga ako dito, sakto namang malapit na ako sa salon niyo ng tawagan ako ni Tita Annabelle." napatango ako at tumingin sa gawi ni Rosh na ngayon ay nanonood na. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Rosh? Si Kuya?"

"Nasa kusina, Ate, kasama si Mama." ani niya. Napatango ako.

Nagkasagutan pala kami ni Kuya kanina. Kailan kong humingi ng pasensya. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan. Dapat inintindi ko na lang na nag-alala lang siya saakin. Kita mo, Rosalyn, dahil sa kapabayaan ko sa mga kinakain ay nag-away pa kami.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon