Tinalukbong ko ang kumot sa aking katawan at sinubukan ulit na makatulog ngunit hindi ko nagawa. Dinilat ko ang aking mata at winaksi ang kumot. Tumitig ako sa kisame at napapikit ng mariin. Hinilot ko ang aking sintido. May bisita ba kami at napakaingay ng bahay. Umagang umaga ay puro halakhakan ang naririnig ko mula sa labas ng kwarto.
Hindi pa man din sapat ang tulog ko sapagkat alas dos na ng ihatid ako ni Felix kagabi. Puro sayawan ang ginawa namin ng mag siuwian na ang mga bisita. Napainom din ako ng wala sa oras. Nagkaroon pa ako ng oras para makahalubilo ang ilang pinsan ni Jackson. Napabuntong hininga ako at inayos ang higaan.
Umirap ako sa ere ng muling marinig ang tawa ni Kuya Ronnie. Huwag niyang sabihing may bisita na siya sa ganitong oras? O baka inimbitahan nanaman niya si Mike at Rupert na kapatid ni Carmina? Dumiretso ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Kumuha ako ng tissue at pinunas sa ilalim ng mata ko. Ilang beses kong pinahid ang tissue ngunit hindi matanggal ang eye liner sa mata ko.
Muli akong naghilamos at inayos ang mukha ko. Nagsuklay rin ako ng buhok bago lumabas ng kwarto. Sinilip ko ang kwarto ni Roshan ngunit wala na siya doon. Napabunting hininga ako at dumiretso sa baba ngunit laking gulat ko ng makita si Samson at Isaiah sa mahaba naming sofa. Sa kabilang upuan naman ay si Kuya habang umiinom ng kape.
Napapikit ako ng mariin. What the hell? Anong ginagawa nila dito sa bahay? At bakit pinapasok ni Kuya si Samson! Nananadya ba ang lalaking 'to!
"Good morning!" dinilat ko ang aking mata at tinignan ng masama si Kuya ngunit nginisian niya lamang ako. Sumipol si Isaiah at dinilaan ang labi niya. Tinititigan naman ako ni Samson mula ulo hanggang paa dahilan para kilabutan ako.
"Anong ginagawa ninyo dito?" nanatili ako sa pwesto ko.
"Good morning din, Rosalyn." inikutan ko ng mata si Isaiah ngunit tinawanan niya lamang ako at tinikman ang kape niya.
"Hey ba't bugnutin ang kapatid ko ngayon?" linapitan ako ni Kuya at inakbayan ngunit tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Ba't narito ang dalawang 'yan! Ba't mo sila pinapasok!" Nagngingitngit kong sabi.
"What?" tumawa siya. "Anong gusto mo palayasin ko sila?"
"Oo! Kuya naman! Ang kitid ng utak mo!"
Iniwan ko silang tatlo at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Kuya at ineentertain niya ang dalawang 'yon. Ayos lang kung si Isaiah, pero si Samson? My God! Alam naman niyang ayokong nakikita ang lalaking 'yon! Ayoko ng koneksyon sa kanya! Ayokong pumupunta siya dito ng walang pahintulot saakin! Pero heto at pinapasok siya ng magaling kong kapatid!
Nang maubos ko ang isang baso ng tubig ay hinarap ko ang sink at kinalma ang sarili ko. What does he want? Matapos niyang insultuhin ang damit ko kagabi? Matapos niyang patayin sa tingin si Felix kagabi ay malakas parin ang loob niyang magpakita saakin? Hindi ko alam kung namanhid na siya at hindi niya makuhang ayoko siyang kinakausap. Mali ito, bwisit siya! Mali ang pagpunta niya dito dahil wala naman siyang gagawin dito! Ano ang akala niya sa bahay namin? Park na pwede siyang mamasyal kung kailan niya gusto?
Nagagalit ako sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay wala lang sa kanya ang nangyari noon. Na para sa kanya ay isa lamang laro ang nakaraan namin. I treasured our memories before. Ngunit ng makilala ko si Felix ay binura ko na ang mga ala-alang 'yon.
"Rosalyn," umirap ako sa ere ng sundan ako ni Kuya. "Uy, kapatid, galit ka?"
"Hindi ba obvious, Kuya? Ba't narito si Samson?" hinarap ko siya at pinagekis ang kamay sa dibdib. Napabuntong hininga si Kuya at binulsa ang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...