Kabanata 37

1.8K 33 2
                                    

"Ba't tayo narito?" tanong ko kay Felix ng huminto ang sasakyan dito sa may Diversion. Imbes na sumagot ay nginitian niya ako at bumaba ng sasakyan. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumaba.

Napapikit ako ng umihip ang hangin. Damang dama ko ang simoy ng probinsya. Inalalayan niya akong umupo sa may likuran ng sasakyan niya. Tumabi siya saakin at pinagsiklop ang daliri namin. Hindi ako umimik at tumingin sa mga ekta ektartyang palay sa bukid. Napakalawak. Berdend berde ang kulay. Ang sarap sa mata. May mga tanim rin na mais at tabako. Kahit saan ko ibaling ang mata ay ang malawak na palayan ang nakikita ko.

Tumingin ako kay Felix. Nasa magandang tanawin ang mata niya. Tinitigan ko siya at hinigpitan ang pagkakasiklop ng daliri namin. Linaro ko ang daliri niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam kung anong bumabagabag sa isipan niya. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang nais kong tanongin. Hinaplos niya ang braso ko. Huminga siya ng malalim at pinaliguan ng halik ang buhok ko.

Napapikit ako at pinunasan ang nangilid na luha sa mata ko. How could our relationship turn to this? Sa nakalipas na apat na buwan ay puro kasiyahan ang naramdaman ko kay Felix. Ngayon, halos kainin na ako ng konsensya ko dahil sa mga pinaggagagawa ko. Pakiramdam ko ay nasayang ang lahat ng effort na ginawa niya saakin. Look at me now… tanga na talaga ako at sinunod ko ang puso imbes na pairalin ang utak ko.

How could I stop myself from loving Samson? Para hindi ko na nasasaktan si Felix at bumalik sa dati ang lahat.

"What's wrong?" tanong ko ng mas bumigat pa ang paghinga niya. Umiling siya at binalik ang ulo ko sa balikat niya. Yinakap ko ang bewang niya at siniksik ang sarili ko sa kanya.

Mahal ko si Felix at hindi ko siya kayang iwan. Pero mahal ko din si Samson. Felix reborn me. He reincarnate me. At bago ako pumasok noon sa pakikipagrelasyon sa kanya ay nangako akong kakalimutan ko na ang nakaraan at ibabaling sa kanya ang buo kong atensyon.

"I'm sorry." tiningala ko siya. Nginitian niya ako ng pilit at hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at ngumiti.

"For what?"

"For lying. Pasensya na at hindi ko nasabi sa'yo ang kalagayan ni Jairus. It's just that… naaawa ako sa kanya. She's homeless that time, kaya sa bahay ko muna siya dinala." umiling ako at muli siyang yinakap.

"I'm sorry too, Felix."

"Para saan, Rosalyn? Wala kang nagawang kasalanan. It's all my fault."

Hindi ako sumagot at hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Tumawa siya ng mahina at hinalikan ang noo ko. I'm sorry, Felix… dahil ang laki laki ng kasalanan ko sa'yo. It's not my intention to fall in love with him again. Ako dapat ang humihingi ng tawad at hindi siya.

"Gusto kong makita si Jairus. I want to say sorry… hindi naging maganda ang pagtrato ko sa kanya."

"Hindi mo na kailangang gawin iyon, Rosalyn. Ako na ang humingi ng tawad."

"Pero-" hindi na niya ako pinatapos at hinalikan ang labi ko. "Let's move on with Jairus, Rosalyn. Please? Miss na miss na kita. Humingi na ako ng tawad, ganoon din ikaw. Let's just forget about her, please?"

Hindi ko alam pero parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. May iba pang rason kaya gusto na niyang kalimutan ang bagay na iyon. Felix is so humble, generous and kind. Pero sa pagkakataong ito ay iba ang nakikita ko sa mata niya. He's worried and scared. Hindi ko alam kung saang bagay siya natatakot. Saakin ba o kay Jairus? God. I don't know.

"Hungry? Gusto kong kumain?" tumango ako. Inalalayan niya akong bumaba at linagay ang braso niya sa bewang ko.

Kumain kami sa Kinnammet na matatagpuan din dito sa Diversion. Probinsyang probinsya at motif ng kainang ito. Matapos kumain ay hinatid na ako sa bahay ni Felix. Kumaway ako habang paalis ang Jeep Commander niya. Ang pag-uusap namin kanina ay hindi nakatulong saakin, sa totoo lang. I'm curious about Jairus. Sino ba talaga siya at ganoon na lang ang nakita kong pag-aalala sa mata ni Felix?

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon