Chapter 14
Mutual
"Bro, what if kumanta ka nalang?" suggest ni Chryseis. Himas-himas nito ang kaniyang bagang na para bang nag-iisip, eh wala namang isip.
"Kanta? Hindi ako marunong kumanta, 'no," sagot ko sa kanya.
"Ang kantahan si Mana? Hindi ka marunong? Ulol! May pa-love yourself ka pa nga!" sabat naman ni Lencho kaya binatukan ko siya.
"Tumahimik ka diyan. Kumanta lang ako kasi gusto niya--" hindi ako pinatapos ni Chryseis.
"Ire-rephrase ko, bro. Kumanta ka lang kasi mahal mo siya. Knowing you, you're not into singing kaya. Kaya, kumanta ka na para maligawan mo na. Pachuychuy ka rin bro, eh!"
"Ano naman kakantahin ko, bro?" tanong ko kay Chryseis. Nag-tinginan sila ni Lencho at nag-tangoan. Umuna sa pagsalita si Lencho--kumanta pala. Taena. Nakakasira ng eardrums 'yung boses ni Lencho talaga.
"Is it too late now to say sorry?" tapos siniko niya si Chryseis tapos si Chryseis naman ang kumanta.
"Uso pa ba, ang harana?"
At bahagyang nanlaki ang mata ko. "Dafaq, bros? Ayan? Kakantahin ko?"
"Hindi. Itutula mo. Kaya mo?" sarkastikong bara ni Lencho.
"Bakla!" inis kong bulong sa kanya.
"Sorry kasi, kailangan mong magsorry dahil hindi mo agad sinabi sakanya na mahal mo siya. Lalake ka kaya!" explain ni Lencho.
"Nahiya naman ako sa'yo. Lalake ka pala?" sarkastiko kong bara ka Lencho. Umirap lang siya. Sapol ka, pare. Di ka kasi nananahimik.
"Tapos harana dahil liligawan mo pa siya. Grabe ka rin kung sasagotin ka niya agad. Ang gwapo mo naman masyado, 'no!" si Chryseis naman ang nag-explain.
"Eh--" naisip ko bigla ang sabi ni Rinrin.
"Sa susunod, may guitar na, ha."
In times like this, I would always have second thoughts. Hindi ko alam kung ang nangingibabaw ay huwag o sige. But when I thought about Rinrin, I suddenly became so sure. Like I was so sure about my life.
Okay, maggu-guitar ako. Para sa mahal ko. I won't waste the opportunity of proving her that I love her. That she's the reason why I'm smiling with so much happiness. She suddenly became the reason why I need to wake up everyday.
"Kailan naman?" tanong ko sa kanila.
"Mamaya. At..." nagtinginan ulit sila. "Kami na ang bahala sa lahat."
Siguraduhin lang nitong dalawa. Bugbog abot nila sa akin kapag pumalpak ako.
***
Nandito na ako sa stage. Kinakabahan nga ako, eh. Whoo. First time 'to! Hindi naman ako ganito kay Lexxa no--'wag na nga natin 'yun pag-usapan.
"Andito na sila, bro..." bulong ni Lencho. Hindi na siya dapat maging lalake kasi... MAY MGA STUDYANTE RIN PALA NA PUMUNTA DITO! Fucking shit. Akala ko si Rinrin lang ang nandito?
Andito kami sa Auditorium. Dito kami kasi malaki ang space tsaka nakakahiya kung sa labas.
Bumalik muna ako sa backstage. Ugh! Nakakaba!
Sumilip ako ng kaunti sa kurtina at andoon na sila Helene, Aella, at Rinrin. Teka, bakit naka-simangot si Rinrin?
"Sst, bro. Sige na," patagong lingon sa akin ni Lencho. Andoon siya kela Aella, ine-entertain sila.
"Whoo! Kaya mo 'to, Circe Leander Phrixus! Kayang kaya mo 'to! Para kay Rinrin..." bulong ko sa sarili ko sabay kuha ng gitara at pumunta na sa stage. Fuck. Nakakakaba talaga. Huminga ako ng malalim na malalim. "Hi..." sabi ko sa mic. "Kakanta sana ako..." biglang nag-sigawan ang mga babae. Tss. "Para sa pinakamamahal kong babae." Tinignan ko si Rinrin at... umiiyak ba siya?
BINABASA MO ANG
Living With My Crush (Completed)
Teen FictionLiving with your crush isn't easy. (UNDER MAJOR REVISION)