Chapter 16
Trick
"Shit. Kailan pa?!" agad kong tanong sa kanila. Bahagya akong napamura.
No. This can't be happening. Doon na siya babalik kung saan okay na ang lahat? Kung saan masaya na ang lahat? The fuck is she thinking?
"Noong isang araw lang. Ang araw ng pag-amin mo kay Eury," sagot ni Lencho. Halata din sa mukha nito ang ayaw sa nangyayari. Ang ayaw sa pagbabalik ni Lexxa.
"Ugh! Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?!" nag-hyhysterical na ako.
Bakit kasi bumalik pa siya?! I don't her to come back! Ayoko! Hindi siya magiging mabuti para sa amin ni Rinri. Magiging hadlang lang siya dahil alam kong gagawa siya ng paraan kung sakaling malaman nito ang tungkol sa amin ni Rinrin. At kung malaman niya man, alam kong gagawa talaga siya ng paraan para mawasak kami.
And I don't want that to happen.
Narinig naming buma-vibrate ang telepono ni Lencho. Kaya nataranta ito.
"Ang phone ko! Sandali lang..." kinuha ni Lencho ang cellphone niya at sinagot. He looked at us palely sabay bulong. "S-si L-lexxa..." napalunok siya.
Ugh. That girl.
"Hello?" bati ni Lencho dito. He pressed the loud speak button so that Chry and I can also hear what they are about to talk. Nanatili lamang kaming tahimik ni Chry.
"Lenchoy! Ikaw ba 'to?" rinig naming sagot sa kabilang linya. Halata sa tono nito na excited siya.
"A-ah... oo. Bakit ka nga pala napatawag, Lexxa? Tsaka, totoo bang nandito ka na talaga sa Pilipinas?" Lencho asked as if he didn't know anything. He's a good actor, I say. I hope he would get through this.
"Yeah, oo. That's why I called you to inform you that I'm back..." sagot sa kabilang linya. Kahit hindi ko man nakikita, alam kong ngiting-ngiti ito. "Is my Phrixus there?" dagdag nito.
Binalingan ako ni Lencho. I shook my head, telling not to tell Lexxa I'm around.
"U-uh... wala, eh. Tsaka, hindi ko rin alam kung nasaan siya. S-sorry..." Lencho was hiding his nervousness. He is covering it with his calm voice.
"Are you sure? Parang nandiyan siya, eh. I can feel it," sabi ni Lexxa, natatawa.
Agad akong lumingon-lingon sa paligid baka sakaling nasa paligid lang siya o sa tabi-tabi. We don't know what capability she has right now. She might be hiring some men to look over me at this moment.
"U-uh..."
"Hays. I miss him already na..." obvious sa boses ni Lexxa na nangangati na siyang makita ako. I don't feel the same.
"Ahh... ganoon ba? Ganyan talaga ang love. Alam mo nam-"
Hinablot ko agad ang cellphone ni Lencho at in-end ang tawag. Naiinis na ako. She's teasing. I know by now, she's listening to someone telling her everything that happened to me. Especially with Rinrin.
"Anong date ngayon?" tanong ko agad.
"26th, September. Bakit?" si Chryseis ang sumagot.
"Oh, okay-"
"Circe!"
Napabalikwas agad ako ng tingin sa likod ng tawagin ako ni Rinrin.
Ngumiti ako sa kanya at linapitan siya. "Rinrin..." I smiled at her.
"Bakit parang kanina lang kayo? Wala kayong pasok?" tanong niya. Umupo ulit kami sa table namin.
"Ah, oo. Wala si Ms. Jhalev. Iyong english teacher namin. Tsaka, boring kung sa ibang lugar kami tatambay. Mabuti dito, may pagkain..." sinabayan ko iyon ng tawa just to fade my irritated expression away.
BINABASA MO ANG
Living With My Crush (Completed)
Novela JuvenilLiving with your crush isn't easy. (UNDER MAJOR REVISION)