Chapter 11
Babe
"Uh... Rinrin, alis muna ako." Paalam ni Circe kay Eurydice. Simula 'nung naging mag-ka-'ibigan' na kasi silang dalawa, nag-bago na nang kaunti ang buhay ni Circe. Parang palagi na siyang masaya kung kasama niya ang dalaga lalo na kung sila nalang dalawa at nag-yayakapan sila. Parang... may namumuong strings sa kanila pero hindi naman sila. They're acts are like they're already in a relationship but the sad truth is, they're not.
"Okay. Saan ka nga pala pupunta?" tanong ni Eurydice dito.
Sumagot naman si Circe. "Basta," tapos ngumiti ang binata at umalis na.
Pupunta si Circe kela Mang Roben for confirmations. Parang hindi lang kasi crush ang feeling ni Circe kay Eurydice, eh, parang... parang lumalalim. Kaya pupunta siya ngayon kela Mang Roben. Alam niya kasing ang kanyang tiyuhin ang makakatulong sa kanya sa ganitong problema. Nasa school lang din naman ang bahay ni Mang Roben pero medyo malayo-layo ito sa buildings at kung ano pa sa school.
"Tao po?" katok ng binata sa pinto ng bahay ni Mang Roben.
"Sino 'yan?" Tanong ni Mang Roben habang nag-lalakad to patungong pinto. Binuksan niya ang pinto. "Uy, Ronnie, anong ginagawa mo dito? Halika, pasok ka muna..."
Pumasok naman si Circe sabay upo sa upuan ng sala nila Mang Roben. "Eh kasi po... may itatanong lang po sana ako sa inyo..." nahihiyang wika ni Circe kay Mang Roben.
"Ano ba iyon?" tanong ni Mang Roben sabay upo sa tabi ni Ronnie at humarap sa kanya.
"Paano mo nasasabing mahal mo na ang isang tao?" tanong agad nito kay Mang Roben.
Hihingi ako ng three signs. Kung tama ang sasabihin ni Mang Roben tungkol sa love, mahal ko nga siya. Isip niya sa sarili.
"Mahal ko na ang isang babae? Hmm..." nag-smile si Mang Roben nang inalala niya ang kanyang asawang pumanaw na. "Mahal mo na ang isang tao kapag gusto mong kasama mo siya palagi. 'Yung tipong... kunyari, sa mga times na talagang siya ang pwedeng mong kasama sa instance na 'yun. O kaya lagi mo siyang iniisip, gusto mo siyang kausapin kahit wala naman kayong pag-uusapan. Kahit naka-higa lang kayo o ano, basta siya kasama mo, okay ka na. Kuntento ka na. Hmm, ano pa ba? Uhm, basta pakinggan mo puso mo. Tapos may isa pa pala, 'yung gusto mo siyang alagaan ganoon tapos may paselos-selos at possessive acts ka pa. Ganoon."
Bahagyang napa-ngiti ang binata.
Gusto ko siyang kasama palagi. Oo, dahil wala naman talaga akong close pero nung tumatagal, gusto ko siyang kasama at kahawak ng kamay palagi. Tapos hindi ko alam kung baliw na ako dahil kinakausap ko siya ng walang sense. Then.. yung humihiga ako katabi siya... I really felt like I'm in heaven those times. And I remember noong nasa mall kami, I'm being possessive and seloso that time. Two more signs.
Nag-tanong siya ulit para sa pangalawang sign. "Ano po ba 'yung pagmamahal?"
"Pagmamahal? Pagmamahal ay 'yung bagay na nagpapabangon sayo araw-araw. Ito ang nagmamaneho sa buhay mo na para bang hindi ka na aandar kapag wala ito. Basta maraming kahulogan niyan na ang puso mo lang ang nakaka-alam sa mga kahulogang iyon."
Naiintindihan ko na. Malapit na.
Last na tanong. "Paano mo masasabi na mahal mo talaga ang tao? 'Yung hindi lang dahil sa mga rason o ano?"
In that question kasi malalaman niya na mahal na niya talaga ang dalagang si Eurydice Eirene Danae.
"Ang pagmamahal kasi, dinadama 'yan, eh, hindi nakikita. Puso ang ginagamit diyan hindi utak o mata. Maniniwala ka sa Love At First Sight? Pwede rin pero naramdaman mo bang siya na talaga? Pwede rin, kasi iniisip mo, eh. Hindi dinadama. Kaya pag-mahal mo ang tao, kailangang siguraduhin mo gamit ang puso. Dahil minsan ang utak, nag-loloko. Kaya kung sino man 'yang babaeng 'yan, mahalin mo ng totoo dahil hindi sinaktan ang mga babae. Minamahal sila." Tin-ap ni Mang Roben ang balikat ni Circe.
At ngayon talagang napa-smile si Circe. "Salamat po talaga, Mang Roben! Da best talaga kayo!" nag-apiran sila, nag-fist bump sabay yung mga exhibitions gamit ang kamay. "Alis na po ako. Bye po! Thank you po talaga!"
Samantala, si Eurydice iniisip at dinadama ang nangyayari sa kanila ni Circe at kung ano ang namamagitan sa kanila.
"Mahal ko na ba talaga siya?" Bigla siyang napa-smile nang inalala niya ang mga moments nilang dalawa ng binata. "Yung smile niyang pinapangiti rin ako at pinapalunod... 'yung mukha niyang kasing gwapo sa pinakagwapong nilalang na nabubuhay ngayon sa mundo... 'yung tawa niyang minsan mo lang marinig pero maganda sa pandinig... at... siya mismo. Si Ronnie mismo..." Kinilig si Eurydice sa sasabihin niya sa last. At napatayo siya. "Mahal ko na nga siya," tapos humarap siya sa kanan tapos lumakad at humarap ulit sa kaliwa at lumakad then vise versa.
"Kung hindi ko siya mahal, bakit iniisip kong kasal kami tapos nag-aano kami? Kung hindi ko siya mahal, bakit hindi ako makatulog kung yakap-yakap at hawak-hawak niya ako? Diba? My heart said that I love him very much but my mind says I love him. Well, that's just mutual. Duh, but really," ngumiti siya tapos, "Mahal ko ang isang Ronnie. Mahal ko ang isang Circe Leander Phrixus Lachelis! Sasabihin ko na ba sa kanya?" tapos humarap ito sa kanan. "Of course. Walang torpe sa pamilya namin so... I mean meron naman, pero basta, sasabihan ko na agad sakanya." tumakbo palabas si Eurydice.
Sa isang puno si Eurydice tumigil at sakto namang si Ronnie din. Nag-ngitian sila.
"Eurydice."
"Circe."
Sabay nilang banggit sa pangalan ng isa't-isa.
"May sasabihin ako sa'yo." Sabay din nilang sabi. Nag-ngitian sila. "Ikaw muna." Sabi ulit nila ng sabay. "Hindi ikaw muna." Sabay ulit.
Nag-tawanan sila. "Ikaw muna, Circe." Sabi na ni Eurydice.
"Ikaw muna, Rinrin. Ladies first, kaya."
"Ikaw muna. Lalaki ka."
Napa-sigh si Circe. "Sige na nga." Napa-kamot siya ng ulo tapos pumikit, huminga ng malalim, at nag-smile. Hinanda niya ang sarili niya at lakas-loob na sinabing, "Eurydice Eirene Danae... I-"
"Babe!"
Napa-tigil silang dalawa tapos napa-tingin sa babaeng maganda pa sa maganda na nag-lalakad papalapit sakanila. Pumulupot ang girl sa braso ni Ronnie tapos nag-smile siya sa dalawa. "Hi babe," tapos kiniss niya ito sa cheeks.
Bigla namang nagsi-taasan ang mga dugo ni Eurydice sa nakita. "Ganoon? Harap-harapan? Landian sa harap ko? Ganyan na pala ang harutan ngayon. Binago na pala. May tao na pala sa harap nila habang naglalampungan. Tsss. Pag-umpugin ko kayong dalawa, eh." Eurydice rolled her eyes at nag-walk out tapos bumulong sa sarili.
"Badtrip."
Bumalik na siya sa boarding house nila tapos sumimangot.
Sasabihin na nila sana, eh. Kaso may umistorbo. May sumira sa moment.
***
This one's soooo laaaaame. -,-
Btw, please watch The Flash! It's really cool guys. I swear. It got me whammied. Hahaha lol x
BINABASA MO ANG
Living With My Crush (Completed)
Fiksi RemajaLiving with your crush isn't easy. (UNDER MAJOR REVISION)