Chapter 30: Standpoint*

661 25 5
                                    

Tweet me your reactions and feels. Use the hashtag: #LWMC @dondonxcale

Chapter 30

Call

Tumayo na ako. Kasabay ng pagtayo ni Rossel. Lumakad na din ako palabas as sumabay naman si Rossel.

Pagkalabas namin, pumunta muna kami sa hindi kita ni Rinrin na parte.

"Ba't ka ba sunod ng sunod?" may halong irita kong sabi sa kanya.

"Eh kasi... lalaki po kayo. Baka po maprotektahan niyo po ako sa mga bully dito sa school..."

Huh? Bakit ko naman siya pro-protektahan?

"Bakit naman? Tsaka, ba't ka ba nagp-po? Mag-classmates lang naman tayo," sabi ko.

"Hah, eh kasi, mali kasi ang nasulat ni Papa na number sa transfer slip. Imbis na 2, naging 4."

"Huh!? Second year ka palang!?"

Tumango naman siya.

"O-okay. Tara na nga," sumunod na ako kay Sir Lloyd. Nasa pinto ulit kami ng classroom namin nang may nakasalubong kaming mga babae.

"Diba, si Rossel 'yong napahiya noong Dad niya sa Bavesta High?"

"Oo, 'te. My god, nakakatawa talaga 'yong pagmumukha niya sa screen. Haha..."

"Hay nako, 'yan ang napapala ng mga pangit," tapos sabay silang tumawa at umalis na.

Tinignan ko ng masama 'yong mga babaeng nag-uusap sa tabi kanina kahit naka-talikod na sila. Naramdaman ko namang sumiksik si Rossel sa gilid ko at humihikbi na.

"Pabayaan mo na sila. Ganyan talaga ang mga walang magawa sa buhay..." I cheered her up.

Pero umiiyak lang siya. Tumingin naman si Sir Lloyd sa amin.

"What did you do?" mataray nitong tanong. Okay lang naman sa kanya ang magtaray, bakla naman 'yan, eh.

"Nothing, Sir. Iyong mga babae lang kanina.They're backstabbing her," sumbong ko.

"What?! Tara na at mag-madali na tayo ng masumbong ko na siya kay Mr. Lachelis!" akmang magmamadali na siya pero pinigilan ko. "What? Mr... who? Lachelis?" tanong ko.

"Yes, si Ronn Kernel Lachelis. Her father," ani nito.

I made my hand into a fist.

Wala talagang kwentang ama. His own daughter, hindi niya pinapagamit ng apelyido niya. Buti na nga lang at hindi na pwede sa akin ang pag-palit ng apelyido dahil nasa right age na ako. But Rossel, second year pa lamang siya at pwedeng-pwede pa sa kanya ang ibahin ang apelyido.

Buti nalang talaga.

That Ronn is a bastard.

"Let's go," sabi ko sabay lampas sa kanila. Gusto kong tignan kung ano na ang itsura ng gagong 'yon.

Nasa tapat na kami ng pinto ng office ni Mrs. Fiester, ang tumanggap sa akin dito sa DSU. Ako na ang nagpihit ng pinto at pumasok. Naririnig ko pa ang pag-uusap ni Mrs. Fiester kay MR. LACHELIS.

"Yes, pero bawal na siyang ilipat sa bagong school dahil malapit na ang finals. As well as Rossel, hindi na siya pwedeng ibalik 'don sa Bavesta High unless, new school year na ang papasukan niya," rinig kong untag ni Mrs. Fiester.

"This is fucking useless! Kung sasabihin kong ililipat ko si Ronnie at Rossel, ililipat ko! Mahirap ba intindihan 'yon!?"

"Remember Ronn, you are in my office for fuck's sake. Don't you ever raise your voice to me when you're in my territory. How dare you," mariing sabi ni Mrs. Fiester. Woah, first ko siyang narinig na magsalita ng dirty talk.

Living With My Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon