Comment your reactions. Add me on facebook: Don Cale. You can message me there or you can post your feels and reactions in my timeline.
Chapter 29
Stupid
Magkasama ulit kaming apat. Pero, sumabay ang tatlong boys. Papunta kami sa cafeteria.
Habang dumadaan kami sa hallway, may nakasalubong kaming nag-uusap. At saktong nasa harap ako nila.
"Bagay sila Rossel at Ronnie, 'no?" tanong ng babae sa kasama niyang babae.
Sumagot naman 'yong tinanong noong unang girl. "Oo nga, eh. Plus, parehas pa sila 'r' at 'o' ang first two letters ng name kaya bagay talaga! Perfect," sagot nong isa. "Kaso parang factory ng pimples, eh. Bagay na sana! Kung hindi lang talaga siya puno ng mga porses," hagikhik pa noong isa.
"Pero sila naman ng Eurydice, eh..."
"Tsk, sayang..." tapos umalis na sila.
Ay, grabe. Harap-harapan ba naman pag-usapan 'yon? Promise, sila na ang pinakamakapal ang mukha. Whoo! Nababadtrip na naman ako.
"Ay, grabe sila, oh..." sabi ni Aella. "Ang kapal na siguro ng balat nila at pinag-usapan 'yon sa pagmumukha ni Eury. Wow, nakaka-proud sila, ah," sakastikong dagdag pa niya.
Tsk! Nasaan na ba kasi si Circe? Hindi pa kasi siya bumabalik simula nung umalis siya kasama 'yong Rossel. Now I wonder what they're doing... baka...
"Nako, Eurydice, alam namin kung ano ang iniisip mo," biglang sabi ni Helene. "Wag mo nga pag-isipan ng masama si Kuya..."
Napatingin naman ako sakanya. "Huh?" pa-inosente kong tanong.
She sighed. "Base on your facial expression, we know you're thinking about something..."
"Uh..." ngayong ko lang napagtantong nakatingin silang lahat sa akin at hindi nan naglalakad. Nakatayo lang sila sa posisyong tinigilan nila. Tumigil na din ako sa paglalakad at nanatili sa posisyon ko at hinarap sila. Malungkot pa rin ang mukha ko.
Lumapit naman sa akin si Lexxa. "Trust him, okay? Hindi naman niya gagawin ulit 'yung ginawa niya sayo dahil sa akin," sabi nito. "I know Phrixus already learned his lesson. Just trust him, okay?" she hugged me after. Pinilit kong ngumiti kahit hindi ko kaya at yinakap din siya pabalik.
Mabuting tao naman si Lexxa, eh. She's a very good friend. And yes, we're already friends. We talked about our situation tapos inayos namin. Naging magkaibigan kami. But... yes, I trust Circe but I don't trust Rossel. Base on her actions to Circe, I know may crush siya kay Circe. And I don't love the idea... I do not at all...
Okay, I trust him.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong cafeteria. Naghanap kami ng vacant tables at nag-order ng pagkain. Tahimik lang kami habang kinakain namin ang snack namin. At walang kahit sino ang nagbabadyang magsalita.
"Ugh! Ba't ang tahimik!?" reklamo ni Helene.
"ITO!" biglang sabat ni Clyde. "May ipapasagot ako sa inyo..." sabi niya.
"Siguraduhin mo lang, Clyde..." banta ni Lexxa kay Clyde.
Tumango naman si Partz bago magsalita. "Ito; which is correct? The egg white is yellow? Or The egg white are yellow?"
Hmmm... eh isa lang naman ang egg white sa sentence, eh. Wala din namang 's' sa last ng white. So...
"The egg white is yellow?" sabi ko pero umiling si Clyde. What!?
"The egg white are yellow?" sabay na sabi ni Lencho at Chryseis pero umiling pa rin si Clyde.
Bigla naman siyang binatukan ni Lexxa. "Gago ka pala, eh! Nagpapa-sagot ka tapos none of the above naman pala!? Linoloko mo ba kami!?"
BINABASA MO ANG
Living With My Crush (Completed)
Novela JuvenilLiving with your crush isn't easy. (UNDER MAJOR REVISION)