Hindi ko pa alam kung may Book 2 'to. Hahahaha! I'm so messed up these days. Lol lang :D
Chapter 39
Pure
Tinitignan ko ngayon ang tux na nakalapag sa kwarto ko dito sa bahay ni Dad.
I feel like I don't want to wear it... kasi hindi kami okay ni Wifey.
I know, it's a lame reason or excuse pero parang ayoko lang. Gusto ko kasing nandoon si Wifey, katabi ko, at nakatingin sa kinakasal na sina Ranie at ate Corine. Mas maganda na may kapares ka rin na mag-isip na sana kayo nalang ang ikinakasal.
But I think I don't have a choice. Aattend ako sa kasal, eh.
Sinuot ko na 'yon. Habang pinapakot ko iyong mga butones, naalala ko bigla iyong naging conversation namin ni Wifey kanina sa boarding house.
Ngayon daw... ang kasal ko? Di pa ngayon, 'no. Hindi pa nga ako nakakapagpropose sa kanya, eh.
Bigla namang may kumatok kaya sumigaw ako ng 'bukas 'yan!'.
Narinig ko ang pinto na bumukas.
"Ready ka na, Ronnie?"
Si Dad pala.
Humarap naman ng matapos ko na ang ginagawa ko. "Opo..." sagot ko.
Bigla namang pumasok si Rossel na nakasuot ngayon ng gold gown. Sleeveless 'yon kaya kita mo 'yong maputi niyang mga braso. Obligado iyong mga babae na magsuot ng violet or gold gowns habang ang mga lalake naman, black suits.
"Ang ganda mo sa gown na 'yan, anak," puri ni Dad kay Rossel.
"Hihi," sabi naman ng kapatid ko.
Napatingin naman si Dad sa akin. "Oh, anong nangyare sa mukha mo? Ba't parang malungkot 'yan? Hindi pa rin kayo okay ni Eurydice? It's been months..." he reacted.
"Yeah... and I don't know what to do..." napatingin ako sa dingding na animo'y nag-iisip ako.
"Time will help," he patted my shoulder. "Tara na at kailangan na nating pumunta sa cathedral church..." tumalikod na ito at umuna nang lumabas. Humarap naman ako kay Rossel na nakatunganga lang.
"Ginawa ko ding makipag-usap kay Ate Eury pero ayaw niyang makinig sakin. She felt cheated and frustrated..." sabi niya. "But I know what's true and what's not. Truth is she mis-heard the name 'Ranie' and not, is she's wrong about what she heard na ikaw ang engage."
"Tsk."
Napakamot nalang ako ng batok at hindi inisip ang problemang kinakaharap ko ngayon.
I really can't bare thinking that me and Wifey aren't in good terms. Iyong feeling na 3/4 ng buhay mo, nawala sayo. I feel so incomplete. Whenever I see Wifey... I really want to be by her side and hug her so badly to the point that I don't want to let her go anymore.
Now I miss her more.
Lumabas na kaming dalawa at sumunod kay Dad. Dad's already waiting outside habang nakalean sa sasakyan niyang Bugatti Veyron.
"Rossel, dito ka na sumakay sakin para makapag-isip naman 'yang Kuya mo."
Agad namang lumapit si Rossel kay Dad at sumakay na sila pareho sa sasakyan. Habang ako naman, lutang parin. Feel ko talaga... hindi ako kompleto, eh.
Wala na akong magawa kundi sumakay nalang sa sarili kong sasakyan. Pinaandar ko na 'yon at nagsimulang magmaneho. I tried to focus in driving baka mabangga ako ng wala sa oras.
But I can't! I'm so fucked up! Hindi ko parin lubos na matanggap that Wifey keeps on stepping away from me.
Napahampas ako sa manubela na naging dahilan para umingay ang sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Living With My Crush (Completed)
Teen FictionLiving with your crush isn't easy. (UNDER MAJOR REVISION)