Chapter 18
Let Go
Kinabukasan, maaga akong nagising. Wala na si Circe sa kama niya. Hindi ko alam kung dito ba siya natulog, eh.
Agad akong bumaba at nadatnan kong kumakain sila kaya naman umupo na ako sa upuan katabi nila Helene.
Kumakain na kami ng biglang may bumukas ng pinto, in an excited way. At doon niluwa si Lexxa.
"Where's Phrixus?" she asked us. I mean, them. She's not even looking at me as if I don't exist. So, that's her real color? Dark and bitchy. Nasa loob pala talaga ang kulo ng mga tao, ano.
"Nasa t-"
"Rinrin? Asan ka?" rinig kong sigaw ni Circe sa taas. Hindi ko alam kung saan siya nagsusu-suot kanina dahil wala namana siya sa kama niya ng nagising ako.
Napatingin ako kay Lexxa at nakatingin din siya sa akin ng mataray. I equalled her look. Hindi ako papatalo sa tingin lang. But her stares intensified.
Anong na namang problema nito?
Narinig namin ang mga yapak ni Circe pababa. Tila nagmamadali ito.
Agad na pumihit si Lexxa."Hi, Phrixus!" maligayang bati ni Lexxa. Hindi siya pinansin ni Circe at patuloy lang si Circe sa pag-lakad patungo sa direkyon namin. Sa direksyon ko.
"Goodmorning, Rinrin..." ngumiti si Circe sa kin. Ngiti niyang parang bawal sayangin kaya ngumiti ako ng pilit.
Natatakot pa rin ako sa mga susunod na mangyayari kung sakali man... ugh! Hindi ko gustong isipin pero nababagabag ang aking isipan na kung sakaling magka-balikan si Lexxa at Circe... paano nalang ako? Iiwan niyang nasaktan ng lubos? Hindi pwede 'yon dahil kahit konting panahon palang na nagkasama kami, minahal ko na siya ng higit pa sa kahit ano.
Kaya noong feel ko na iiyak na ako anumang sandali, tumayo na ako.
"L-ligo na ako..." paalam ko sa kanila at umalis na. Mabilis akong tumayo at nakayukong naglakad papunta sa hagdanan pero biglang may pumigil sa akin. At si Circe iyon... na nakahawak sa braso ko.
"Rinrin, anong problema?" he asked, his tone was filled with sorrow and plea.
"Wala," kinuha ko ang braso kong hawak niya. Tinignan ko si Lexxa ulit at nakatitig siya sa akin ng matalim. Pinabayaan ko nalang ang bagay na 'yon at dumiretso na ako sa taas para maligo.
Nang matapos ako, umuna na akong pumunta sa classroom at sumunod naman sila Aella at Helene.
Break namin at andito lang kami sa greenfield. Soccer field, to be exact. Nasa ilalim kami ng puno. Kasama ko si Aella at Helene.
"Guys... naiihi ako. Punta muna akong CR. Wait lang, ah..." tumayo na ako at gumayak papuntang CR. Pumasok na ako sa isang cubicle at umihi na. Nag-retouch muna ako sa harap ng salamin. Medyo haggard na pala ako dahil sa stress. Kailangan kong maging maganda ulit. Like what Circe always tell me.
Lalakad sana ako sa kaliwa ngunit nahila ako sa kanan at si Lexxa ang humila sa akin. How dare she!
"Bitch," matiim niyang sabi sa akin. Her grit was a one way proof that she's pissed.
As much as gusto ko siyang sabunutan at pag-umpugin sa sahig which I can easily do, I held on. My anger is filling my system and it's not good. I wouldn't let my anger overrun me para makipag-away. Dahil kung may isa man sa aming dalawa ang kailangang mag-mature, ako iyon.
"Wala akong ginagawa sayo, Lexxa..." I said. "I better go."
"You're not going anywhere. I still have something to tell you." may giit ang bawat salitang linalabas niya na animo'y galit na galit talaga siya. 'Yung tonong wala siyang gusto ibigay at ipagaw. 'Yong tipong sa kanya lang si Circe. I also looked at her with narrow eyes. I observed her eyes.
BINABASA MO ANG
Living With My Crush (Completed)
Teen FictionLiving with your crush isn't easy. (UNDER MAJOR REVISION)