Chapter 10 (what the truth is)

297 3 3
                                    

PRINCESS's POV

ilang araw ulit akong di pumunta sa condo, bahay lang..

napagpasyahan kong ibreak si Johann para matahimik na ang lahat..tapos...

"ma'am andyan po si Tristan"

"papasukin mo dito"

pumasok sya..naka sumbrero, jacket, pants..EMOde..

"hesh"

"andito ka nanaman ba para awayin ako?"

"Hesh kalimutan na natin yun"

"sa palagay mo ganun lang kadali yun?! alam mo bang binreak ko si Johann dahil sayo?? kahit ayoko, ginwa ko para lang matigil na'to!"

umiyak na naman ako..ang hina talaga ng emotions ko..

niyakap nya ko..

"hesh tama na, diba ayaw kong umiyak ka sa harap ko? alam kong masakit pero sana mapatawad moko"

"pe...."

"mahal na kasi kita Hesh! yung sinabi ko nung gaming nakainom ako...totoo yun!!"

nagulat ako...napatigil sa pag-iyak,, hindi nanaman makagalaw,, di makapag salita

"di ka makapaniwala?? akala mo lasing talaga ako noon?? totoo yun Hesh, mamatay man ako..hindi kita pinipilit na gustuhin/mahalin ako,,basta makasama kita ayos na..."

(speechless)

"tara labas tayo!! tumigil ka na sa kaiiyak dyan!"

bigla nya kong hinila tapos pinunasan yung mata ko..

hanggang sa nakarating kami sa pupuntahan namin hindi parin ako natitinag..parang doll lang, hihilain nya ko go with the flow naman ako...

My Bestfriend is my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon