Merrione's P.O.V.
Nakakainggit naman sila.
Puro may lablayp na ata lahat eh.
Si Shanen Kay Jhayvee.
Si Loreyn kay Christopher.
Si Daniella kay Jericho! Plus si AVEN pa?!
Haba ng buhok diba? Tss. Si Mariane naman kay josh! Tapos si Bheatris kay Benj.Eh kung sipain ko kaya sila isa-isa? Diba nila mai-save sa utak nila ang salitang WALANG FOREVER? Two words lang naman yun ah? Ako nga memorize ko na.
Ayysh! Nakakainis naman."Hoy! Anyare sa labi mo?"natatawang sabi ni Loreyn.
"What's with the face?"gatong ni Shanen.
Sila mariane naman nanonood lang samin habang natatasa na rin. Ayssh! Ang yabang nila ah! Sila na may lablayp.
"Aysh. Ewan ko sainyo! Pag ako nagkaroon ng prince charming!"sabi ko sabay tayo at ayos sa uniform ko.
"Oh? Tapos?"sabay pa silang Lima.
"Tss. Who you kayo sakin! Hmp. Dyan na nga kayo."sabi ko at umalis na.
Maa-out of place lang naman ako sa landian nila mamaya sa cafeteria.
---
Nasa may garden ako ngayon! Ang sarap talaga ng hangin dito. Fresh air! Tahimik at walang distorbo! Tsaka,subukan lang nilang istorbohin ako! Pretty sure Paa ko ang sasalubong sa mga mukha nila. Aysh! Makahiga na nga lang.
Naglakad na ako papunta sa May puno at humiga sa ilalim nun.
Ng maisaksak ko na ang earphone sa mga tenga ko--alangan naman sa pwet ko isaksak? Tss. Dibale! Nagpatugtog na ako.
Ahaaaay! Sarap talagang matulog,lunch naman na ngayon eh. Absent na lang ako sa afternoon classes ko! Pake nila? Tss.
Ipipikit ko na sana yung mata ko ng may mahulog galing sa taas.
Kaya napasigaw ako sa sakit! Sige nga,ikaw hulugan ko ng libro sa mukha? Anong mararamdaman mo?! Ayssh.
"Hoy! Bumaba ka nga dyan! Ambastos ah!"sabi ko sakanya.
May tao pala sa taas!
Ay wala merrione,wala! May bumato nga sayo ng Libro diba? Alangan naman Ibon ang may gawa nun? Tss.
Haay. Pati sarili ko kinakausap ko na! Baliw na ata ako. Waaaaaah!
Bigla siyang tumalon! Umilag ako,may balak pa atang manyakin ako eh. Tss.
"Aww!"he scream,ng tumama mukha niya sa lupa. Pfffft. Hahahaha!
"'Bat mo ko di sinalo?!"sigaw niya sakin.
Aba't---UGH! bwiset to ah.
"Aba. Siniswerte ka ata? 'Bat naman kita sasaluhin? Alam mo,karma mo na yan!"sabi ko sakanya sabay tawa.
Pinampag niya naman yung Damit niyang nadumihan ng damo. Tss! Daming alam,bagay naman sakanya yung madumi eh.
Humiga na ako at sinaksak yung earphone ko ulit.
Pipikit na sana ako ng humiga din siya sa tabi ko. THE HELL IS HE DOING?!
Bumangon ako ulit at tinggal yung earphone."Hoy! Umalis ka nga diyan! Alam mo bang ako ang nauna dito?"sermon ko sakanya! Pero nakapikit parin siya.
Aysh. Nakakaasar naman to.
"Kailan pa naging kwarto ang garden para tulugan mo?"he said while still closing his eyes.