Daniella's P.O.V.
papunta ako ngayon sa Holy spirit academy!
Kailangan ko pa kasi tumulong kila shanen para sa venue and arrangement ng foundation day para mamayang gabi ng alas 6.
Nasa may labas ng village na ako!
Ahm,hehe! Naglakad lang ako galing sa bahay namin.Gamit kasi ni mom and dad yung kotse!
Si kuya naman wala sa bahay.
Eh? Di ako marunong magdrive! And duh?
Underage parin ako,kaya di pwede!So,eto ako!
No choice,naglakad na lang papunta sa labas ng village namin.Naka-jeans lang ako ngayon habang naka-crop shirt na panda! Hihi,fave ko eh!
At naka-converse naman ako na kulay black and white yung liston.Narinig kong tumunog yung phone ko sa loob ng bag ko na *ahem* Chanel.
Hihihi! Bigay kasi to ni dad kaya fave ko..
Kinuha ko yung phone ko at nakitang si Shanen yung tumatawag kaya agad ko itong sinagot!
"Hello sha?"sagot ko sa tawag ni shanen.
[...where are you now,daniella?] Sabi niya naman.
"Sorry! But i'm already on my way sha,don't worry i think i'll be there about in 20minutes? Hehe." Sabi ko pa na parang di sigurado sa sagot ko.
[..hayy! Fayn. Takecare! Taw---]
"Snatcher! Ayy! Hindi holdaper! Ay hindi anong tawag dun? Help! Help! My panda lalabs! Huhu T^T.."mangiyak ngiyak na ako dahil nakuha yung phone ko.
"Miss? What happened?"tanong nung lalaking nakamotor na kulay white at nakablack ang outfit! Ang astig.
"Habulin mo yun please! Yung phone ko! Huhu--"
Pinaharurot niya na yung motor niya..
Ambastos! Pero sige.
Nageffort naman siyang tulungan ako eh diba?Naghintay pa ako ng ilang minuto! Di kaya kasabwat yun? Di na kasi buma---
"Here! *sabay abot nung phone at bag ko* You know what? Usong magtaxi at magpanggap na hindi mayaman! Try mo next time para di ka naiisahan!" Sabi nung lalaking astig..
"Salamat,buti na lang dumating ka!"sabi ko sakanya.
"Welcome! Swerte ka,medyo cute ka!
Kasi pag pangit ka! Di kita pagaaksayahan ng oras! Haha."sabi niya sabay suot nung helmet niya ulit. Ang yabang ah!Magsasalita na sana ako ng---
"Hep? Wag ka ng magsalita! I know that im too hot/cute/astig/handsome/and so on.."sabi niya at umalis na..
"It's not like that?! Hey you! Ugh! Your so yabang!"sabi ko naman at pumara na ng taxi.
---
Holy spirit Academy
Dumeretso ako agad sa ground ng school.
"Bat mo ako binabaan ng phone kanina,babaita?"bungad sakin ni shanen.
"Nanakaw phone ko! I mean hinablot bigla sakin ng snacther? Holdaper? Ewan anong tawag dun..pero nabalik din naman!"sabi ko.
"Oh? Whats with your face now?"sabi naman ni merrione.
Pssh! Naalala ko na naman yung yabang na yun!
"Ugh! That panda!"i said.
Tiningnan lang nila ako na may malaking question mark sa ulo nila..inshort,may mga gusto silang itanong sakin!