Chapter 9: Jhaynen <3

128 10 0
                                    

Shanen's P.O.V.

Nasa may hallway na ako naglalakad,alangan naman gumapang ako? Pssh.

Pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko.

Pano ba naman kasi? Ugh.
Sinong di pagtitinginan sa may hallway. Eh? para na akong zombie maglakad,walang buhay! Sobrang matamlay.

Eh,kasi naman! Kasalanan to ni Jhayvee eh!

"Beb? What happened to your pretty face?"salubong sakin ni merrione.

"Hindi ka natulog,shanen?!"sabi naman ni loreyn.

"Besh? Anyare sa feslak mo?"sabi ni daniella.

"Uyy? Bessy,ikaw ha! Anyare sayo? Magkwento ka naman!"sabi ni bheatriz.

"Girl,Pinarusahan mo ba sarili mo kagabi?"sabi naman ni mariane.

Nasapok ko na lang yung ulo ko!
Salubungin daw ba ako ng tanong? Ano 'to? Hotseat? Putspa.

"Guys? I really need to take a rest,please! Kahit ngayon lang pagbigyan niyo ako!" Sabi ko ng nanghihina.

"Gaga! Edi sana,natulog ka na lang maghapon sa bahay niyo."sabi naman ni Loreyn.

"Halika nga,sa cafeteria tayo! Libre ko,nagbreakfast ka ba sa bahay niyo?" Sabi naman ni merrione.

Umiling-iling lang ako.

"Thats why! Bhea,check the time nga!"sabi naman ni merrione.

"6:38 am mers!"sabi naman ni bheatris.

Ang aga pa pala! Sabagay,di na ako magtataka pa.
Eh,kasi nung umalis ako sa bahay! Tulog pa lahat! Di na nga ako nagpahatid pa sa driver ko eh.

"Too early! Let's go. Gutom ka lang ata beb!"sabi naman ni merrione at kinaladkad na ako papuntang cafeteria,kasama ang mga girlbestfriends namin.

---

[Cafeteria]

"So? Bakit ang tamlay mo ngayon?" Panimula ni daniella,nang makaupo na kami at nakabili na ng pang breakfast.

"Kasi naman!"sabi ko naman.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanila.

"Ano nga?!"sigaw nila,kaya napapatingin sa amin yung ibang tao sa loob ng cafeteria.

"Pwedeng wag sumigaw? Ayoko ng sabihin baka mas lalo lang kayong mapasigaw eh!"sabi ko naman.

Nawala bigla yung tamlay ko! Sa inis na rin siguro.

"Sige hindi na,pramis! Di ba girls?" Sabi naman ni merrione.

Basta chismis talaga,nagiging immature siya.

"Teka,dala ko yung ebidensya! Kung sakaling,hindi kayo maniwala!"nilabas ko yung curlytops na bigay ni jhayvee sakin nung saturday,na siyang dahilan kaya di ako makatulog ng maayos kagabi,at nung isang gabi.

Hinablot ni merrione ang curlytops at nagkumpulan silang lima dun at sabay-sabay na binasa ang...

"Can i court you shanen reiyn madrigal? I'm pretty serious!..." sabay-sabay silang nagtinginan sakin at sabay nilang binasa ang pangalan ni..

"Jhayvee rock monteberde.."

Pinandilatan ko sila ng mata at nagsigawan sila dun..

Ako naman,di alam ang gagawin sakanila.
Ngayon kasi ang lipat ni jhayvee sa HSA.
Paniguradong gulo na naman 'to putspa.

"So,ano ng balak mo?"sabi ni merrione,ng manahimik sila.

Perfect strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon