Chapter 12: Jhaynen OFFICIAL

175 13 4
                                    

Jhayvee's P.O.V.

Nakakabwisit naman! Of all people si Akiro pa yung naging kaibigan niya! Bwiset. Pesteng akiro yun! Inaasar talaga ako kanina eh.

"Hey bro! Ang ganda nung girlfriend--nililigawan  mo ah!"pangaasar niya sakin.

"Alam mo kuya? Hilig mong mangasar eh noh! Buset."asar kong sabi.

"Tinetesting ko lang bro kung handa ka na ba talaga ulit,you know? After what happened to you and cindy! Kaya ako sayo ingatan mo na yang si shanen ah? Kasi pag yan sinayang at tinapon mo ako mismo pupulot."sabi niya at natawa pa.

"Kuya! Di magandang biro! Tsaka oo naman! Huli na si shanen kuya. Nakalimutan ko na rin si cindy!"sabi ko.

"Are you sure?"sabi niya.

Siguro nga time na para maglet go. Para i-let go si cindy...Cindy Rui cruz!

"Yeah! Pretty sure."sabi ko lang at umakyat na papuntang kwarto.

---

Someone's P.O.V.

"Pero mas lalo lang siyang magagalit sayo Jb!"sabi sakin ni RC!

"RC? Kilala ko si shanen,mapapatawad niya ako! Mahal niya naman ako eh."

"Pero p-pano tayo? Alam mo bang iniwan ko si Rock para lang sayo!"sabi niya at umiiyak na.

"RC,una palang diba? Hindi na kita gusto. Kasi mahal kita bilang kaibigan."paliwanag ko.

"Lahat naman ginawa ko diba? Ako ang nagalaga sayo habang ginagamot ka sa states! Ako ang nagayos ng mga fake death certificate mo dito! Para lang palabasin na wala ka na! Tapos lahat ng yun mapupunta lang sa wala? The hell Jb! Hanggang kailan mo ba ako papaasahin ah?! Kahit nagmumukha na akong tanga sa harap mo! Ginagawa ko lahat para lang ipakita sayo na mahal kita! Ang selfish mo jb! Sarili mo lang iniisip mo." Litanya ni RC habang naiyak at pinagpapalo ako sa dibdib.

"Look,i am really sorry kung tingin mo pinapaasa lang kita! But you know that i never asked you to do that right? I love you RC..but really as a friend! I love her sorry. And i think you still love him right?"sabi ko habang niyayakap siya.

"Fayn! I'll forgive you to stalk her but i can still wait until you learn how to love me like the way i did."sabi niya at napangiti na lang ako ng pilit.

Di ko talaga siya kayang mahalin.

Mahal ko parin si Shanen reiyne madrigal.
Ang babaeng minahal ko,mahal ko at mamahalin ko.

I'll win her back.

Jhayvee's P.O.V.

Saturday na ngayon! At ilang araw din akong di pinapansin ni shanen! And i can't take this anymore,really.

Di ko kayang galit siya sakin! At di ako papayag na matapos ang araw na to ng hindi siya napapasakin,hanggat hindi nagiging kami.

"Naks bro! San punta mo? Ang aga naman?"bungad sakin ni kuya ng makababa ako galing kwarto.

"Kina shanen!"sabi ko lang.

"Oh? Diba galit yun sayo? Anong gagawin mo dun?"sarcastic niyang sabi.

Tss. Alam niya na kung anong gagawin ko dun,nagtanong parin! Para mangasar. Leshe!

"Tss. Stop acting like you dont know kuya!"asar kong sabi.

"Eh? Ano nga bang gagawin mo dun? Tatambay? Makikitulog? Makikikain? Ano?"sabi niya at namumula na dahil sa pagpipigil niya ng tawa.

"Tss. Manunuyo! Matahimik ka lang."sabi ko at umalis na.

Perfect strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon