Late na nang gabi natapos ang trabaho ni carol. Isa syang saleslady sa isang mall.
"O ano girl mauuna na ako" paalam ng kanyang co-worker and friend na si ella. "Sige friend , dadaan muna ako sa may carinderia..magtatake out ako ng pagkain "
Kahit sobrang dilim at walang kasama ay matapang pa rin naglalakad si carol sa may kanto para bumili ng makakain.Maririnig ang mga kalampag sa mga bubungan ng mga bahay. Masasabing mong may tila naghahabulang mga malalaking hayop dahil sa lakas ng mga ginagawang ingay ng mga ito. Isa sa mga ito ay tumakbo papunta sa may mga walang ilaw na daanan. Sugatan ito habang tumatakas palayo sa isang grupo ng tila....malalaking aso.
Pagkatapos umorder ng pagkain ay lumabas na sya upang tumawag ng tricycle at para makauwi na sya ng bahay.
Madilim sa kinatatayuan nya dahil pundido ang mga bumbilya ng mga streetlight na nandun. Nang may narinig syang kaluskos sa may likuran nya...di nya malaman o maaninag kung ano ito, kaya naman kinuha nya ang kanyang cellphone at para ilawan ito.
Nagulat sya sa nakita, isang lalaking ang suot lamang ay isang punit punit na pantalon at halata dito na may iniindang sakit dahil makikitang duguan ito, anumang oras ay mawawalan ito ng malay.
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomanceRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...