Liwanag mula sa apoy ang nakita nya nang sya ay magising. Inilibot niya ang mga mata nya ng tingin at napagtanto nyang nasa kweba sya ngayon. Sa isang sulok nakita nyang inilalagay ni ric ang kanilang damit para ito'y matuyo.
"ok ka lang ba?" tanong ni ric skanya. "ok lang ako pero nasaan tayo?" sagot nya kahit namamanhid at nilalamig na sya. Lumapit si ric at tumabi ito sakanya. Nanginginig sa lamig si carol na napansin naman ni ric kaya hinatak sya nito payakap. Dama ni carol ang init na nagmumula sa katawan ni ric,nakatulong ito upang maibsan ang nararamdaman nyang lamig.
"Pasensya ka na carol nadamay ka pa sa gulo ng buhay ko. Di ko akalain susundan parin nila ako" bakas ang pagaalala sa mukha ni ric.
"Ok lng ako ric. Mahalaga naman buhay tayo..magkasama tayo. Mahal kita kaya hindi kita iiwan, sabay natin silang lalabanan." Saad ni carol
Tumingin sila sa isa't isa na punong puno ng pagmamahal, at unti unti pa'y nagkalapit na ang kanilang mga labi. Magkayakap silang nagpalipas ng gabi sa kweba, si alintana ang mangyayari kinabukasan. Ang mahalaga ay magkasama sila hanggang sa huli.
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomanceRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...