Natataranta na si carol di nya alam kung ano ang kanyang gagawin. Maraming bagay ang naiisip nya. Baka naman ang lalaki ay drug addict o di kaya snatcher at na-corner ng taong bayan at binugbog o di kaya naman ay galing sa gang war kaya sugatan ito. At nangangamba syang pagtinulungan nya ang lalaki ay madamay pa sya sa gulo nito.
Mga ilang minuto pa ang lumipas nang marinig nya itong umungol na tila humihingi ng tulong. Doon na sya nag decide na tulungan ito...bahala na yun nalang ang naisip nya. Pumara sya ng isang tricycle buti na lamang ay kakilala nya ito.
" uy! Carol ano yan? Ano nangyari dyan?"
"Kiko! Buti na lang dumating ka tulungan mo ako, buhatin natin sya sa tricycle mo ..dalhin ntin sya sa bahay ko"
Agad naman syang tinulungan ni kiko buhatin ang lalaki. Dumating sila sa bahay buti ay wla syang kasama tumira dun dahil nasa probinsya ang mga magulang nya.
Kumuha si carol ng first aid kit,may alam sya ng konti sa mga medic dahil nagaral sya ng 1 year nursing ,kaso di nya na naituloy dahil mahirap lamang sila. Tinulungan din sya ni kiko ihiga ang lalaki sa kama tsaka nya ito ginamot,napansin nya ang mga sugat ng lalaki ay parang mula sa kagat ng isang hayop kasama narin ang mga kalmot sa buong katawan nito.
Napansin nyang dumilat ito ngunit, ng tanungin nya ang pangalan nito ay nawalan ulit ito ng malay.
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomanceRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...