With Each Other

128 2 0
                                    

Magkasama nanaman sila ric at carol mamasyal. Araw araw silang lumalabas, date after work ni carol pati saturday and sunday ay magkasama pa rin sila. Di na naiilang si carol sa twing nagiiba ang anyo ni ric kahit mismo sa harap nya.
Napagkasunduan nilang dalawa na pumuntang pangasinan para magbakasyon. May resort na pagmamay-ari si ric duon. Mags-stay sila nang 4 days and 3 nights.

Dumating sila sa pangasinan, makikita ang magandang tanawin na anduon. Masaya nilang in-enjoy ang company ng isa't isa. Naligo sila sa dagat, solong solo nila ang lugar.
Kinagabihan may hinandang surpresa si ric skanya. Dinner with candlight sa lumulutang na cottage sa dagat. Nagdinner silang dalawa doon at nagkwentuhan magdamag. At nang tumayo si ric sinabihan sya nitong tumingin sa langit at mula duon ay nagsimulang lumiwanag dahil sa mga fireworks na lumilipad sa langit. Tuwang tuwa naman si carol sa nakitang effort at sa sweetness ni ric. Mahal na mahal talaga nya ito. Di sya nagsisisi na minahal nya ito. Pagkatapos ng fireworks display ay pumasok na sila sa bahay. Sa iisang kwarto lamang sila natulog at doon ay magkayakap silang nagpalipas ng gabi.

My Hairy Boyfriend ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon