Pagod at hinihingal na si carol sa kakatakbo. Nararamdaman nya na namamanhid na ang kanyang mga paa at malapit na syang bumigay. Mahigpit pa rin hinahawakan ni ric ang kanyang kamay,hindi nya alam kung nasaan na sila pero halatang gubat na ito dahil maraming puno at nagtataasang talahib na dinadaanan nila.
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin sila humihinto sa pagtakbo. Ang ilaw mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw nila sa daan. Maririnig ang mga alulong ng mga aso, pakiramdam nya may nakatingin sakanila at susunggaban sila anu mang oras. Dahil sa liwanag ng buwan ay nagiba ng anyo si ric naging taong lobo ito bigla at binuhat na sya nito, dahil halatang bibigay na sya sa pagod at gutom.
Maririnig mo ang mga ingay na ginagawa ng mga humahabol sakanila. Naikwento ni ric skanya na may kalaban ang pamilya nito at katulad nila ay mga werewolf o taong lobo din ang mga ito.
Napahinto si ric sa pagtakbo dahil..wla na silang mapuntahan dahil ang nasa harapan nila ay bangin at tubig sa baba sa lakas ng bagsak ng tubig duon ay imposible sa tao na mabuhay ito kung sakaling may mahulog dito.Doon ay naabutan sila ng mga taong lobo. Nagsalita si desmon " akala nyo makakatakas kayo ng ganun na lang?" Nakangisi itong nakatitig sakanila.
Na-corner na sila ng mga ito, wala na silang pupuntahan. Bumulong si ric skanya. " carol kumapit kang mabuti, ako bahala sayo. Trust me"
Naiiyak na si carol pero ginawa pa rin nya ang sinabi ni ric sakanya pumikit sya at hinigpitan ang pagkakayakap nya kay ric at sinabing " i love you and i trust you ric, ikaw na bahala sakin" pagkasabi nun ay walang babalang tumalon si ric ,mahigpit pa rin ang pagkakahawak skanya. Bumagsak sila sa tubig na napakalalim malakas din bumabagsak ang tubig mula sa itaas.
Nauubusan na nang hininga si carol medyo matagal silang nsa ilalim ng tubig. Nawala ang sikat ng buwan at bumalik sa normal na anyo si ric, napansin ni ric na hindi nya na kaya pang pigilan ang paghinga kaya naman ay inilapit nito ang kanilang labi at binigyan sya ng konting hangin upang makatagal sila hanggang umalis ang mga humahabol sa kanila.
Galit na nagsisisigaw at umaalulong ang kasama ni desmon, mga ilang minuto pa ay umalis na ang mga ito. Pag-ahon nila sa tubig ay bumigay na ang katawan ni carol nawalan sya ng malay habang buhat sya ni ric.
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomanceRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...