Gone without a trace

196 2 0
                                    

Matapos hugasan at lagyan ng bondage ang mga sugat nito ay naisipan nyang maligo muna bago matulog..matutulog sya sa sofa dahil gamit ng di nya pa kilalang lalaki ang kanyang higaan.
Lumabas sa banyo at bagong ligo si carol at naghahanda na para matulog nang maisipan nyang tingnan ang wala paring malay na lalaki sa kwarto nya. Kapansin pansin na gwapo ito matangkad at wla sa itsura nito na masamang tao ito.
Habang nakahiga ay iniisip nya kung ano ang gagawin nya sa lalaki, unang una ay aalamin nya ang pangalan nito at kung saan ito nakatira, sumunod pupunta sya sa pulisya para ireport ang nangyari. Nakatulog si carol sa kakaisip ng mga gagawin nya bukas ng umaga.
Maagang gumising si carol at maghahanda na sana syang magluto para sa almusal ng mapadaan sya sa kwarto nya at napansin nyang wla na ang tinulungan nyang lalaki kagabi. Sa sahig nakita nya ang mga gapas at mga bondage na ginamit nya sa di nya pa kilalang lalaki.
Nagtataka sya bakit wla ito, ang alam nya ay di pa nito kaya tumayo at lumakad sa dami ng sugat nito sa katawan. Nagaalalang isinantabi na muna nya ito at naghanda na para pumasok sa trabaho.

My Hairy Boyfriend ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon