Mysterious

154 2 0
                                    

One word to describe ric "Mysterious". Napakamisteryoso nito. Sa twing nasa labas sila bigla na lang ito magpapaalam na aalis at si arthur ang laging naghahatid skanya dahil di na nga ito bumabalik. Pagkatapos hindi ito magpaparamdam ng tatlong araw laging ganun ang nangyayari. Di nga nya alam kung saan ito nakatira o anong edad ito, pangalan lang ang alam nya pero sa twing tatanungin nya ito ay umiiwas si ric skanya.
Di na lang nya inisip yun. Ang  naiisip nya gwapo ito mayaman at higit sa lahat mabait , kung sakaling manliligaw ito skanya ay sasagutin nya ito.
Araw ng sabado wala pasok si carol kaya naman dumalaw si kiko sakanya,nanliligaw ito skanya matagal na pero kaibigan lang talaga turing nya dito. Dumating si ric at nagpang-abot ang dalawa kaya naman si kiko na unang tumayo at naghanda nang umalis, bago umalis si kiko ay tinawag sya nito sa kusina. " carol hindi ko gusto yang eric na yan, parang may kakaiba skanya " parehas silang may nararamdamang kakaiba kay ric pero di na lang nya inintindi ang sinabi nito. Inihatid nya si kiko sa may pinto at bumalik din sa sala. Nakangiting naghihintay si ric sakanya iniabot nito ang dalang bulaklak.
Inabot ng alas onse ng gabi ang kwentuhan nila kaya naman ay nagpasya na si ric na tumayo at umuwi na.
Bago sumakay si ric sa kotse ay inaya sya nito lumabas bukas dapat daw ay naka formal dress sya at pumayag naman sya.
Tumalikod na si ric sabay harap ulit, inilapit nito ang mukha kay carol. Akala ni carol hahalikan sya nito pero mali sya nakangiting bumulong ito sakanya  "Goodnight" at tsaka ito umalis.

My Hairy Boyfriend ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon