"Ric?" mula sa pinto ay kitang-kita ni carol ang isang malaking aso at di lang yun dahil tumayo ito na parang tao. Pagtayo nito lumapit ito sa tabi ng bintana at mula dun ay nasinagan ito ng ilaw mula sa buwan.
Di makapaniwala si carol sa nakikita nyang nakatayo sa harapan nya ngayon.
Tumalikod na sya upang tumakbo pababa papuntang first floor ng bahay nang bigla syang tinawag nito boses ni ric!!
"Carol" napahinto sya at nilingon muli ito. Ang nakatayo ba sa harapan nya ay si ric? Yun ang tanong nya sa kanyang sarili, di pa rin sya makapaniwala. Akala nya kwento kwento lang ang tungkol sa isang taong lobo o werewolf! Nagdadalawang isip pa sya kung lalapitan nya ito o hindi. Nang maalala nya kung gaano kabuti sa kanya si ric ay dun sya nakakuha ng lakas na loob upang lapitan ito.
Unti unti syang lumapit dito nakita nya sa mga mata nito na si ric ang nasa harapan nya ngayon. Hinawakan nya ang mukha ni ric. "Ano nangyari sayo" tanong ni carol dito. At dun ipinaliwanag nga ni ric na mula pa pagkabata werewolf na sya lahat nang pamilya nya. Ipinaliwanag din bakit naging werewolf ang pamilya nila.
Tumayo si ric at lumuhod sa harapan ni carol, mula sa bulsa ng punit punit na pantalon ni ric kinuha nito at isang singsing. " carol, alam kong di naman ako nagsabing nanliligaw ako..ksi di naman ako marunong nun. Alam ko rin na di ako bagay sayo, paano ka ba magkakagusto sa katulad kong halimaw" nakayukong nagsasalita si ric at nakaluhod pa rin ito sa harap ni carol. " pero kahit ganto ako, hindi man ako normal katulad ng iba dyan' but still i want to try my luck..umaasa akong gusto mo rin ako kahit ganito ako. I want to be your boyfriend, i want you to be mine!"
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomanceRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...