Umagang umaga pa lamang ay nakita na ni carol ang sasakyan ni ric sa harap ng kanilang bahay. Araw araw na itong nagaabang at inihahatid sya sa kanyang trabaho.
Araw araw hatid sundo at madalas din silang kumain sa labas. Dalawang buwan ganito ang ginagawa ni ric sakanya.
Kinagabihan expected na ni Carol na susunduin sya nito sa mall. Hindi nga sya nagkamali nakita nyang naghihintay ito sa labas. Bago sila umuwi ay inaya sya nitong kumain muna para raw hindi na sya magluluto pag dating nila sa bahay.
Habang kumakain ay napansin nyang hindi ito mapakali. " uy ric masama ba pakiramdam mo?" Tanong nya " o ok lng ako, sige kumain ka lang" sagot naman ni ric sakanya kahit halatang may parang nararamdaman ito. Makaraan ang ilang minuto ay biglang tumayo si ric at sinabing " carol aalis muna ako, si arthur nalang maghahatid sayo" at nagmamadaling lumabas na ito sa restaurant. Dun naman dumating ang kaibigan at driver ni ric at inihatid na sya nito kahit hindi p sya tapos kumain. At tatlong araw itong hindi nagparamdam sakanya.
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomantikRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...