After 3 days di pa rin maalis sa isip ni carol ang lalaking tinulungan nya at nawala na lamang parang bula. Di man lang nagpasalamat , ngunit iniisip pa rin nya kung nasaan ito. Sabagay masyado syang maraming iniisip pati ba naman di nya kakilala e aalalahanin nya pa. Lumipas ang mga araw tuluyang nakalimutan nya na ang tungkol dito at patuloy parin sya sa dati nyang ginagawa, yun ay ang magtrabaho.
Lunch break na! Inaaya sya ni ella na kumain muna " tara na sis" " sige teka lang kunin ko lng wallet ko , ano ba kakainin natin?" "Gusto ko yung adobong manok dun sa kainan ni aling rosi" sagot ni ella na gusto nang umalis.
Tapos na ang lunch break kaya naman ay pabalik na sila sa mall. Pagdating sa pwesto nila ay lumapit ang isa pang katrabaho ni carol sa mall, halata dito na masaya at excited . " ay carol! carol!" " bakit angie" "may naghahanap sayo sis" "sino ba yun" "ayun o, yung poging papa dun sa gilid"
Paglingon nya may lalaking nakatalikod sa harap na kanilang pwesto. "Sir, sorry ano po kailangan nyo?" Lumingon ang lalaki at ngumiti ito sakanya. Parang familiar yung mukha nito saan nga ba nya ito nakita. Ah tama! Sya yung lalaking tinulungan nya na bigla nalang nawala.
BINABASA MO ANG
My Hairy Boyfriend ( Ongoing )
RomanceRomance / Fiction / Supernatural / Fantasy Plot: This is the story of the girl named carol and the wolf guy named ric. Ano kaya ang mangyayari kung ang boyfriend mo ay isang werewolf. Romance and fantasy . Characters: Main: Carol - she's one of the...