Danger

127 2 0
                                    

Last day nila sa pangasinan. Sinusulit na nila ang oras bago sila bumalik sa maynila. Habang naglalakad sila sa tabi ng dagat ay kapansin-pansin kay ric na bigla itong di mapakali na tila ay may inaamoy ito.
Inaya sya bigla ni ric na bumalik na sa bahay at magsimula na magimpake ng mga gamit.

Sumakay sila sa kotse at nang paandarin na ni ric ito ay bigla syang nagulat dahil may sumulpot at humarang sa harapan ng kotse. Tatlong mga lalaki ang nakatayo sa harap ng kotse. Malalaking mga tao ito nanlilisik ang mga mata na nakatingin ang mga ito sakanila.
Bumaba sa sasakyan si ric at lumapit ang isa sa mga lalaki sa kinatatayuan ni ric " akala mo di ka namin mahahanap eric" nakangising kinausap nito si ric. Halatang mainit ang pinaguusapan ng mga ito nang biglang tinulak ni ric ang lalaki na narinig nya ang pangalan nito ay desmon. Tumilapon ang lalaki at mabilis syang hinila ni ric para bumaba sa kotse at tumakas palayo sa mga ito.

My Hairy Boyfriend ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon