UNO - Dito ka
"Nate! Nasaan si Caleb?" Tinanggal nya ang isa nyang earphone at tiningnan ako ng nagtataka. He's one of his bestfriendd, so dapat alam nya.
"Kita mo namang wala sya dito diba?" Masungit nyang sabi sakit. Kahit kelan talaga tong lalaking to.
"Duh! Kakausapin ba kita kung nakita kong nandyan sya?" Mataray na sabi ko sa kanya at naghalukipkip.
"Yun naman pala eh. Kamalayan ko." Sinalpak nya ulit ang earphones bahagyang umirap bago pumikit.
UGH! He always piss me off!
Hiniglit ko ang isa sa earphone nya kaya galit syang napatingin.
"Ang stupid mo!" Nagwalk out na ako sa sobrang inis at iniwan ko sya dun. Lumabas na ako ng room nila. May nakita akong isang lalaking mukhang kaklase nya. Halos araw araw ko syang pinupuntahan kaya kabisado ko na ang mga kaklase nya. Hinawakan ko ito at pinigilan.
"Where's caleb?" Medyo nakatinggala pa ako nyan kasi ang tangkad nya. Laging nalang akong tumitingala kapag pumupunta ako dito dahil ang tatangkad nila, magkakasing edad naman kami. Tiningnan nya ako ng ilang segundo at nagiwas din.
"Sa cafeteria." Binitawan ko sya at naglakad papunta sa cafeteria. Kapansin pansin ang pagtitinginan sa akin ng mga tao sa corridor. Ang mga babae ay nagbubulungan at mga nakasimangot ang mga kalalakihan naman ay nakangisi at may ilan pang sumipol. Nasa may pinto palang ako ay nakita ko na agad ang future boyfriend at future husband ko na si Caleb.
Habang nastar-struck ako sa taglay nyang kagwapuhan lalo pa ngayon at medyo lumalago na ang buhok nya and it looks really good on him ay may nakita akong babaeng papalapit sa kanya. Umangat agad ang blood pressure ko.
Kinausap sya noong babae at etong bruha naman hindi tinatanggal ang tingin nya kay Caleb. Mayroon syang tinuro sa may likod nya kaya napatingin sya doon. Medyo nasasanggahan ni Caleb yung lagayan ng kutsara't tinidor pero kahit pa ganoon, hindi lang naman si Caleb ang nakapila para sya lang yung kausapin no! May lalaki din namang nasa harapan ni Caleb at may tao din sa likod nito, pwedeng sa kanila nalang sya makipagusap!
Lalong uminit ang bait ko noong ngumiti si Caleb sa kanya at halatang kilig na kilig ang bruha.
"Oo nga, Ang gwapo nga talaga ni Caleb no? Ang lakas ng dugo ng Villa Franco."
"Oh my gosh! Girl, eto na ba? babae ka na ba?? nacrush-at- first-sight ka na ba kay Caleb?" Napalingon agad ako sa mga babeng nasa likod ko. Nagtatawanan sila at natigil lamang yoon noong nakita nila akong nasa harap nila.
"I don't care kung wala kayong pake but I just want you girls to know that Caleb Villa Franco is mine and mine alone. Bear that in your mind. . . kung meron man." After that tinalikuran ko na sila. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ulit silang nagusap.
"Hay nako girl, hayaan mo na yan. Obsessed yang babaeng yan. Kala mo naman magugustuhan sya ni Caleb eh ang sama sama ng ugali nya." Yeah, they tell shits about me but guess what? I don't care. Ang mahalaga sa akin ay si Caleb at tanging sya lang.
Paglapit ko kay Caleb na kakakuha lang ng pagkain nya ay humarang na agad ako.
"Hey, Dear! You know what? Hindi healthy para sayo yang mga pagkain na yan eh. I've already cooked lunch that we'll share. And yep! I cooked it!" Kung ano ano kasi ang nasa plate ni Caleb eh. Mukhang hindi safe at hindi appetizing. Baka mapaano pa sya. Tiningnan nya lang ako gamit ang blangko nyang ekspresyon at naglakad.
"Oh well, Nanay Pising helped me--but I did the majority like the cutting and mixing." Sinundan ko lang sya sa paglalakad. Kwinento ko din sa kanya kung paano ang proseso ng pagluluto namin ni yaya.

BINABASA MO ANG
Agonizing reality
Teen FictionAzelea Cortez has fallen head over heels for Caleb Villafranco, who seems that he couldn't care less. But Azelea is a real fighter and she wouldn't give up anything without putting up her best fight. Though, It's long and tough, she vowed that she w...