Dos

23 0 0
                                    

DOS - Patay na patay

Wala kaming pasok ngayon pero ganun pa man ay maaga padin akong gumising para manood ng training nila Caleb kasali kasi sya sa Varsity ng school and in fact, sya ang pinakamagaling sa kanila. Kasama nya sa pagbabasketball sila Nate at JV pati ang iba nyang kaibigan na iba ang course na sina Theo at Marco.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko si Yaya Pising na nagulat dahil maaga akong nagising.

"Good morning, ya!" Bati ko sa kanya at ngumiti.

"Magandang umaga din anak. Bakit ang aga mo yata ngayon? May pupuntahan ka ba?" Sabi ni yaya habang nagaayos ng kanyang pinamalengke.

"Opo. Pupunta po akong school ngayon. Ya, nasan po yung pinabili ko na tatlong gatorade?" Tanong ko kay yaya. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tatlong yogurt.

"Ah! Nandyan sa may cooler. Hindi na kasi kasya sa ref kaya dyan ko na nilagay." Tumango ako at hinarap si Yaya. Si Yaya Pising ay kasama ko na simula pa lamang noong ako'y bata pa. Lagi kasing umaalis ang ama ko para asikasuhin ang kumpanya namin sa ibang bansa kaya kung tutuusin ay si yaya na ang nagalaga at nagpalaki sa akin.

"Osige po, ya. Aalis na po ako." Sabi ko at nagbless sa kanya.

"Ingat ka iha. At anong oras nga pala ang balik mo?" Tanong nya at nagkabit balikat naman ako.

"Hindi ko pa po alam. Itetext ko nalang po kayo." Naglakad na ako palabas at dumiretso sa garahe. Pinagbuksan agad ako ni Mang Tomas ng pinto.

"Mang Tomas, pakidala po noong cooler na nasa loob." Utos ko sa kanya. Tumango sya bago ako pumasok at pinagsaraduhan ng pinto.

"Teka, tawagan ko nga si Caleb." Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number nya. Nakailang ring ito bago tuluyang mamatay.

"Oh?" Tinawagan ko ulit sya pero hindi nya parin ito sinasagot. Sinubukan kong tawagan si Nate. Nagring lang din ito at namatay din.

"What the frick, Nate?!" Iyamot kong sabi. Yes! Now I'm pissed.

Since hindi ko alam ang number ni Troye at si JV at Marco naman ay papalit palit ng sim dahil sa mga 'chikas' nila ay ate ni Theo ang tinawagan ko. Close kasi kami ni Ate Therese kasi may boutique syang magaganda ang tinda kaya dun ako lagi bumibili.

"Hello, sweetie!"

Hi Ate! I miss you na!

Me too, sweetie. It's been a long time since huli tayong nagkausap. *yes ma'am? Sandali lang po.* Base sa naririnig ko sa background nya ay busy sya.

Ate, you seem really busy ah.

Oo eh. Madami kasing na delay ng shipping ng mga orders kaya dumagsa ang mga tawag ng customers.

I'll catch up to you next time. Pag may free time ka na.

Okay. Sorry, sweetie. Bawi talaga ako sayo next time. Bakit ka nga pala napatawag?

Hihingi sana ako sayo ng number ni Theo. May training kasi sila ngayon at pupunta ako. Hindi naman nasagot si Caleb at lalong lalo na si Nate na stupid.

Narinig ko ang paghagikhik ni Ate Therese sa kabilang linya.

"Ang lakas talaga ng tama mo kay Caleb, Azelea. Sige, alam ko namang atat na atat ka na na makita si Caleb eh. Hahahah. Itetext ko nalang sayo."

Nagpaalam na ako sa kanya at hindi din naman nagtagal bago matapos ang tawag ay narecieve ko ang number ni Theo at tinawagan iyon. Matapos ang dalawang ring ay sinagot nya iyon.

Agonizing realityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon