Cuatro

7 0 0
                                    

CUATRO - Freakin' toy catcher

"Stalker o admirer, panget o maganda, doesn't change the fact that they're not being noticed by the person they admire." Ngumisi sya sa akin at nagshrug tapos nakataas pa yung kamay na parang sumisigaw ng 'Oopps narealtalk ka'

"Tse! Pag talaga naging girlfriend ako ni Caleb papabatukan kita dun." Panay lang ang hagikhik ni JV sa amin. Hinampas ko nga sya.

"Ikaw naman tawa ka ng tawa eh kung kinakampihan mo kaya ako?" Lalo nman lumakas ang tawa nya.

"JV, peram ng phone mo." Sabi ko dito.

"Wala binasag ni Vivian ba yun? Yvette ata? Ewan basta binasag nila haha. Bibili na din ako ngayon." Tawa nya ulit. Mga fling talaga netong si JV oh tsk tsk.

"Stupid, peram ng phone." Hindi ko nilingon si nate at nilahad lang ang kamay sa kanya. Wala akong naramdamang cellphone sa aking kamay ni pagsagot ay hindi nya ginawa.

Tinaas ko ang paa ko sa upuan at bumaling sa kanya.

"Fuck, Az! What do you think you're doing?!" Naguguluhang sabi ni JV. Lumilingon lingon sya sa kinatatayuan ko habang nagddrive.

"HOY BRAT! Tanga ka ba?!" Pabiglang sigaw naman ni Nate na stupid. Napauna sya sa kanyang upuan kaya napalapit ang cellphone nyang hawak nya sa kaliwang kamay sa akin. Hinablot ko iyon "Lemme borrow this for a while."

"Az, delikado ang ginawa mo! Paano kung naaksidente tayo." Bakas ang pagkainis sa boses ni JV habang sinasabi nya yon sa akin. Nakakunot din ang noo nya. Sheez, galit nga to.

"Sorry, JV. Pero ito naman talaga si Stupid ang may kasalanan eh--"

"Wow! Ako pa?! Kapag kasi gusto, gusto agad makuha nanghihiram na nga lang. " Putol sa akin ni Nate.

"Tsk. Hindi padin tama ang ginawa mo, Azelea." Seryoso ang boses ni JV habang sinasabi ang mga salitang yan.

"I'm sorry." Napayuko ako sa cellphone ni Nate na nasa kamay ko. Si JV yung tipong sasakay sa kalokohan pero kapag talaga alam nyang may mali sa nangyayari, seryosong seryoso kaya wala na akong masabi.

"Itext mo na si Caleb. Malapit na tayo tsaka yang nguso mo, Az. Nakakamukha mo si Donald duck hahah." Tawa ni JV. Yipz! Bati na hahaha.

"Donald duck v.2.0 brat edition." Sabi ni Nate.

"Nye nye stupid." Hinanap ko na na ang number ni Caleb at itetext na sana kaso ay baka matagalan syang magreply or worst ay hindi magreply kasi tagyamanin ang mga to tawag lagi ng tawag hindi uso ang text. Madaming pangload.

Dinial ko ang number nya. Hindi ito sumagot kaya naman sinubukan ko ulit pero hindi padin. Ilang beses ko pa itong tinawagan pero pare parehong walang nasagot.

"Bakit di sya sumasagot?" Tumingin ako kay JV tapos kay Nate. Parehong nagkabit balikat.

Sinubukan ko ulit nakailang ring ito bago nya tuluyang sinagot.

What?! Nagulat ako sa sigaw nya at muntik nang mapatak ang cellphone buti nalang at maigi ko itong hawak.

Good Afternoon, Dear! Anong kulay suot mo mamaya?

Bakit? Kapansinpansin ang pagbabago sa boses nya.

Para partner tayo later. Hihihi.

Dear??

Hello??...

Dear?? Tiningnan ko kung nagdisconnect na yung tawag pero hindi pa naman.

Ugh navy blue pagkasabi nya noon ay pinatay na nya.

Agonizing realityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon