CINCO - Desperate
Noong nagsisimula nang magsayawan ay isa isa nang nawala ang mga kasama ko hanggang si Marco at Caleb nalang ang natira. Wala na din ako masyadong napapansin na oldies, siguro ay nagsiuwian na kanina.
Ininom ko ang cocktail na kinuha ko kanina doon sa waiter na naglilibot. Nang ibababa ko na ang inumin ko ay nahagip ng paningin ko ang babaeng lumapit kay Caleb.
"Hmph?.." napaismid ako. Kung hindi ako nagkakamali ay Alecia ang pangalan nito. Pinsan ni Kesia.
Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ni Caleb matapos itong batiin. Iyon ang upuan ni Theo kanina.
"Hey there, Marco." Malandi nyang sabi at ngumiti. Tumango at ngumisi naman si Marco sa kanya. Noong babaling na ako ng tingin kay Alecia. Nakita ko na umirap sya sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip kung tunay ba yon o guniguni ko lang dahil nakumpirma ko na noong binati nya naman ako.
"Hello, Azelea." Bakas na bakas ang ka'plastikan sa kanyang boses at sa binigay nyang ngiti. Oh no! Gurl, I don't socialize with fakes.
Tinaasan ko lang sya ng kilay at inirapan bago uminom ulit ng inumin ko. Umiling iling at humalakhak si Marco sa tabi ko.
Nakita ko sa aking peripheral vision na naguusap si Alecia at Caleb. Medyo malakas ang music kahit na pang slow dance ang mga kanta kaya ata hindi sila magkaintindihan dahil doon ay lumapit lalo si Alecia kay Caleb at ganoon din naman ito.
Kahit na sa tabi lamang ng aking mata ko sila tinitingnan ay pansin ko ang pagngisi ni Caleb. Humagikhik naman itong si Alecia. "Tsk. Flirt." Bulong ko na narinig ni Marco. Inubos ko yung drink ko at pabalang na binaba yon. Automatic na uminit ng sobra ang ulo ko. Dagdag pa noong nakita kong naghairflip si Alecia. Agad akong napalingon dito. Nakita ko ang biglang pagiwas nya ng tingin sa akin at bahagyang umirap.
"For sure, madami kang stalkers." Ngiti nya kay Caleb. Mayroong sinabi si Caleb at mukhang naguluhan naman si Alecia. Nagpanggap syang hindi nya narinig iyon kaya lumapit dito si Caleb. If I was looking at them from another angle iisipin kong naghahalikan sila sa sobrang lapit. Tumango tango si Alecia.
"They really are desprate." Habang sinasabi nya yon ay kapansin pansin ang diin sa bawat salita. Sumilip sya ng mabilis sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Bitch." Akmang tatayo na ako para sugudin sya nang hinigit ako ni Marco.
"Damn, Az. Chill." Sabi nito.
"Chill? Don't tell me to 'chill'. This girl is getting on my nerves and I'm so freakin' pissed so if you'll excuse me." Tatanggalin ko na sana ang kamay nya sa aking braso nang tumayo sya at hindila ako sa gitna.
"Anong ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong. Nang tumigil kami sa paglalakad ay nilagay nya ang dalawang kamay ko sa batok nya at ang kanya naman sa bewang ko.
"Keeping you away from trouble. Siguradong magkakaiskandalo kung di pa kita nalayo dun" Sabi nya. Nagsimula syang gumalaw at inalalayan ako.
"Talagang magkakaron dahil sa kamalditahan ng babaeng yon. Like duh! It's obvious that she's talking that loud on purpose! Para marinig ko kasi sa akin nya gustong patamain yon." Iritado kong sabi sa kanya.
"Natamaan ka ba?" Nakatingin sya sa akin ng diretso kaya tinapatan ko din ang tingin nya.
"Hell no!"
"Eh anong ikinagagalit mo? Kasi sa akin lang, hindi ka magagalit ng ganyan kung alam mong hindi naman totoo ang sinasabi nya." He placed his thumb on my glabella and stroked it in a circular motion.
BINABASA MO ANG
Agonizing reality
Teen FictionAzelea Cortez has fallen head over heels for Caleb Villafranco, who seems that he couldn't care less. But Azelea is a real fighter and she wouldn't give up anything without putting up her best fight. Though, It's long and tough, she vowed that she w...