NUEVE - You're free
In the end, tinanggap ko yung hinihinging favor ni Sir Alex since wala naman din akong magawa tsaka ipapasyal lang naman si Isaac sa school eh. Mema lang yon si Sir.
Umupo kami sa isang bench dito sa tabi ng covered court. Iba pa ang covered court ng school sa mismong gymnasium. Yaz, yamanin!
Halos nalibot ko na naman sya sa lahat ng dapat nyang malamang lugar dito sa school kaya sa tingin ko naman ay hindi na sya maliligaw. Sa paglalakad namin, nalinis ko ang pangalan ko sa kanya. Sinabi kong hindi nya talaga ako stalker at inaming nagandahan talaga ako sa boses nya kaya pinanood ko sya. Duh, eh tunay naman eh. Tinanong ko sya na if meron talaga syang stalkers IRL,at oo meron nga daw na ilan. Di ko na chinika pa ng bongga baka sabihin chismosa pa ako kagaya ni Sir at sinabi ko sa kanyang may sapak si Sir HAHAHAH at chismoso din. Nagtaka nga sya kung bakit ganoon ako kaclose kay Sir Alex at nabibiro ko sya ng ganon at syempre sinagot ko naman na naging vocal coach ko nga dati, kinulit nya akong kumanta pero duh, mapapahiya lang ako sa ganda ng boses nya kaya sabi ko nalang sa kanya ay "Hala, matagal na yun. Medyo nagffade na ang golden voice ko."
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Don't get me wrong, I was just curious kung exchange student ka ba or nandito ka lang para magpaturo kay Sir Alex." Tumango tango naman sya at tumingin sa paligid nya. Mayroong nag babadminton at volleyball ngayon dito siguro mga kabatch ko or lower grades.
"I'll be studying here. Siguro ay dito na din ako magtatapos, dunno."
"Eh bakit itong school na to?" Napalingon agad sya sakin with confusion written all over his face.
"Ayaw mo ba?" Natawa naman ako.
"No, No.. Gosh, wag mo ngang mamisinterpret ang tanong ko. Kasi naman alam ko madaming shenanigan na rumors na bitchessa daw ang mga student school na to... which is true." Pabulong ko sinabi yung huli. Baka kasi mathreaten sya.
"I was just kidding." Tumawa sya. Infairness ha, charming. May laban sa mga ogagz na sila JV. Ang hilig pa magsmile or tumawa. Eh yung mga yon laging nakarolleyes, kala mo babae EH KAY CALEB LANG NAMAN HOT TINGNAN PA NAGROROLL EYES.
"I don't care about the rumors. I wasn't really considering this school at first but I guess dapat kong pasalamatan yung tita ko kasi pinilit nya ako." Sabi nya. Tumango nalang ako.
"Anong club mo?" Tanong nya. Nauhaw naman ulit ako sa yogurt.
"Kasali ako sa lahat pero pag gusto ko yung activity dun lang ako nagaactive." Yeap. Pwede yan dito, bitches. Nangapa ako ng barya sa bulsa ko. Shit ubos na.
Nagring ang bell senyales na lunch na.
"Sige see you around. Thank you ulit." Sabi nya at tumayo. Pinigilan ko sya.
"Pahingi namang barya dyan bibili lang akong yogurt." Wala nang hiya hiya. Tinour ko naman sya eh. Ang hirap kaya non nakakapagod.
Tumawa sya at kumuha ng pera sa wallet nya. Damn, I can't believe it na ngayon ko lang napansin yung dimple nya sa left cheek. +50% sa charming point.
"Thanks, Isaac! See you when I see you!" Tumango sya at naglakad na paalis. Tumayo na din ako at papunta sana sa vendo ng yogurts nang makasalubong ko si Caleb, Marco, Nate at Troye.
"hey brat! Sino yon?" Kilala nyo na kung sino yan. I folded my arms on my chest.
"Wala kang pake, stupid."
"Pare napalitan ka na. You're free!" Siniko ni Marco si Caleb na nakangiti sa tabi nito.
"Psh hindi noh! At ikaw Caleb wag ka nga ngumiti ngiti dyan.. ang cute cute mo eh." Pinipigilan kong mapangiti kasi mataray ang mode ko ngayon. More like pabebe pala hahaha.

BINABASA MO ANG
Agonizing reality
Teen FictionAzelea Cortez has fallen head over heels for Caleb Villafranco, who seems that he couldn't care less. But Azelea is a real fighter and she wouldn't give up anything without putting up her best fight. Though, It's long and tough, she vowed that she w...