OCHO - That's new
Dalawang araw ang lumipas mula noong birthday ni Kesia. Hindi ko alam pero parang tinamad ako sa loob ng dalawang araw na yon. Tinamad akong makipagusap sa lahat, tinamad akong magbigay ng kahit na anong emosyon o reaksyon. Nagtataka sila kung bakit pati daw kay Caleb ay ganoon ako umasta. I don't know why. Seriously. Tinetext ko padin naman si Caleb bago ako matulog kasi baka akalain nya di ko na sya love hee hee.
Free time namin ngayon kaya papunta ako sa 3rd floor para bumili ng yogurt sa isang vendo dahil ininom ni Nate yung baon ko. At dahil wala ako sa mood makipagbangayan ay hinayaan ko na lang sya. Hindi ko naman sya dapat kaklase sa oras na ito at mamaya pa.
Hinulog ko ang pera atsaka pinindot ang yogurt ko. Agad naman nitong inilabas iyon at agad din akong uminom.
Naisipan kong maglibot libot muna pero hindi naman ako lalayo, kung saan lang ako dalhin ng paa ko.
Oo, alam kong nagbigay na ng peace offering si Caleb sakin. Pabebe? Ewan. Baka. Hindi. Bumabalik kasi yung sakit na naramdaman ko noong naaalala ko ang huling mga pangyayari. Masisisi nyo ba ako? Eh mahal na mahal ko yung tao eh. And love that strong isn't something you can control just in a snap of a finger. Sa tuwing nagrereplay yon sa utak ko, sobrang sakit sa puso,parang binubogbog.
Napapaisip tuloy ako, Will he be able to see me as how he see Alecia someday? O maaalala nya lang ako bilang isang babaeng patay na patay sa kanya at bratinella? a bitchessá girl whos fallen head over heels for him? Will all these efforts result ro something?... or to nothing?
Bago pa ako tuluyang malamon ng sarili kong kaisipan ay nabalik na ako sa riyalidad nang may makabunggo sa aking mga lalaki na nagtatakbuhan at ABA! TAWANAN PA SILA! Walang sorry sorry!
"ASSHOLES! GROW UP!" Sigaw ko sa kanila bago tuluyang makalayo. Psh. Immature.
Tumaas ako ng isa pang floor at doon nakahanap ng kapayapaan chos hahahahaha. Yung mga room kasi dito yung para sa mga clubs eh since acads pa priority ngayon wala munang clubbings.
Umupo ako sa ibabaw ng cabinet na siguro ay hanggang tiyan ko lang. Lagayan ng mga bola bola or mga cleaning materials.
Kitang kita mula dito ang malawak na field ng university at ang ilang mga building, mga punong nakapalibot atsaka ang kalangitan. Ang presko ng hangin tapos ang tahimik pa hindi katulad sa baba na sobrang ingay.
Napatingin lang ako sa kawalan ng siguro'y hanggang maka sampung minuto lamang dahil may narinig akong tunog ng isang instrumento sa bandang kanan ko.
She thinks that he could be
a better man, a better manKasabay ng magandang boses ay ang magandang melody na nagmumula sa gitara.
Wife and kids and family
Isn't that what love asks for?
No, no, no
This love just asked him for moreTumayo na ako mula sa pagkakaupo. May kung ano sa boses na iyon ang nagdala saakin dito sa may nakabukas ng kaunting pinto nang Music room at nakasilip.
Love has its seasons and reasons for leaving.
Love take its chances and leaves answers,
But we don't understand.
But I'll be the keeper of your heartNakita ko ang isang lalaki. Nakaupo siya sa highchair sa may maliit na platform. Medyo naka tabingi sa kinappwestohan ko kaya hindi nya ako kita. Nakade-kwatro sya at nakapatong ang gitara sa kanyang hita.
He thinks that she could be
A better wife, a better wife.
But he doesn't always see
Every single sacrifice.Ang lakas ng dating ng boses nya na kahit hindi ko pa sya tuluyang nakikita ay humahanga na ako sa galing ng pagkanta nya-- Pero! Magaling din naman kumanta si Caleb no. Narinig ko na ba? Hindi pa pero duh magaling yon di ko na kelangan pang marinig.
Tumalikod ako para sana umalis na kaso ay biglang sumulpot si Sir Alex, adviser ng Music Club.
"Oh, Miss Cortez! Naligaw ka dito." Lumingon lingon sya sa paligid.
"Now that's new. Wala si Villafranco sa paligid and here you are. What's up with these... strange scenarios today?" Naghalukipkip sya at lumiit liit pa ang mata habang tila inoobserbahan ako ng mga tingin.
"Bawal ba magpunta dito? Duh Sir Alex, gusto mo lang chumika eh." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka. Anong akala mo sakin chismoso ha? Nagtataka lang ako at wala ka sa anino ni Villafranco o kaya naman nina Gallo." Sabi sa akin ni Sir.
"Oh eh maano naman Sir. Kaming magaganda kailangan din namin ng 'Me time' you know, to unwind. Well, in fact sa pagkakaalam ko pati mga pogi din may 'Me time'." Tiningnan ko si Sir. "No wonder, hindi ko kayo nakikitang magisa."
"Nako! Ikaw talaga! Sarap mong kuritin sa mukha eh." May gesture pa si Sir na nanggigigil with matching facial expression.
"Nako, kayo din Sir! Sarap nyong kuritin mukha kayong tagiawat CHAROT! HAHAHAHA" Close kami ni Sir dahil sya ang vocal coach ko dati noong kumakanta kanta pa ako. YAZ! SINGER ANG LOLA NYO. PANLABAN AKEZ! HAHAHAHAH.
"Infairness ha, Sir improving ang vocal coaching mo. Galing kumanta eh." Sabi ko kay Sir Alex at gamit ang thumbs ko ay tinuro ko ang likod kung saan nandoon yung lalaking kumakanta pero hindi ko sya hinarap.
"Narinig mo na sya kumanta?" Tanong ni Sir.
"Oo kanina lang.. Pina--" Pinutol ni Sir ang pagsasalita ko.
"Pa'me time' 'me time' ka pa eh, pinapanood mo lang tong si Montesserio. Kaya pala wala ka kay Villafranco ngayon ha, iniistalk mo naman tong bago." Bahagya nya pa akong tinulak tulak.
"Sir may sira ka na ba? Loyal ako." Sabi ko sa kanya at tinulak din sya ng medyo malakas kesa sa pagtulak nya. Ganti lang. Hahahah.
"Pero magaling?" Sir Alex. Ano ba tong si Sir.
"Oo nga sabi. Binabawi ko na yung magaling kang coach. Sya nalang yung magaling kumanta. Kulit mo eh. "
"Eh hindi ko pa yan natuturuan eh. In fact, hindi ko na nga yata kailangan turuan dahil sabi mo nga, magaling na syang kumanta." Naghalukipkip si Sir at tumingin sa likod ko. Biglang nagappear saaking tabi na lalaki. Lumapit sya kay sir at inakbayan naman sya nito.
"Isaac meet Azelea, stalker mo na from now on." Pakilala ni Sir. Sinuntok ko nga sa tyan nyang mataba charot fit tong si Sir. Tambay Gym.
"Napasilip lang ako Sir ha! Oa nito stalker agad." Sabi ko. Ngumiti ako at naglahad ng kamay kay Isaac.
"Nice to meet you, Azelea." Nagshakehands kami. Wowie ha, lambot lambot ng kamay. Walang kalyo. Rich kid to.
"Hmmmp... Napasilip eh kakasabi mo lang kaninang pinanood mo eh." Mapanginis na sabi ni Sir. Nakangiti lang si Isaac. Alert! Alert! CUTE-IE ALERT!
"Bahala ka Sir. Baka sabihin mo naman defensive ako." Tumingin ako kay Isaac.
"Sige, una na ako. See you around." Tapos ngumiti ako. Ubos na pala ang yogurt ko. Haysss. Makabili nalang ulit. Hahahahah.
Paalis na dapat ako nang pigilan ako ni Sir.
"Nga pala! Ms. Cortez, since andito ka na. Pwedeng favor??" Sabi nya. Nakatingin sya sa akin at si Isaac na nasa tabi nya.
"Matapos mo akong akusahan ng pagiging stalker Sir. Nooo!" Sabi ko.
"Dali na please please..." sabi ni Sir na nagmamakaawa.
"No, okay lang Sir. I can do it by myself. Maglilibot libot nalang ako." Sabi ni Isaac.
"Please na Cortez.."

BINABASA MO ANG
Agonizing reality
Teen FictionAzelea Cortez has fallen head over heels for Caleb Villafranco, who seems that he couldn't care less. But Azelea is a real fighter and she wouldn't give up anything without putting up her best fight. Though, It's long and tough, she vowed that she w...