SIETE - Barely knew
The next day I woke up on my room. Itatanong ko sana kay yaya kung sinong naghatid sakin pero nagulat din sya nang makita nya ako noong umaga. Matapos noong pagpunta ko sa magandang hardin sa bahay nina Kesia ay wala na akong naalala. Siguro ay dahil nadin sa malakas ang tama ko.
Tinanong din ako ni yaya kung uminom daw ba ako. Nagiwas nalang ako ng tingin sa kanya bago sumagot ng hindi. Papunta na ako ngayon sa school ang the scene from yesterday keeps flashing on my mind at pati ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko si Caleb o kung paano sya haharapin.
"Ma'am, wag nyo na po uulitin ang ginawa nyo kagabi. Wag nyo po sanang mamasamain ang pagsasabi ko." Ani ni Mang Tomas. Sinulyapan ko sya sa salamin.
"I understand."
"Ako po ang nakapagbukas ng pinto para sa inyo noong gabi. Ang sabi ng binatang naghatid sa inyo ay tila nakainom daw po kayo kaya iniuwi na nya kayo."
"Hindi ko naman po inakalang alak yung ininom ko, lasang juice kasi kaya nakailang inom ako. Huli na noong nalaman kong umeepekto ang alcohol nito." Gusto kong itanong kay Mang Tomas kung si Caleb ba ang naghatid sa akin paguwi pero nangangamba akong hindi siya. Ni baka nga hindi ako hinanap noon.
"Si Nate po ba ang naghatid sa akin?" Minabuti ko nang hindi itanong kung si Caleb.
"Hindi nga eh kaya nagtaka ako. Akala ko ay si Nate o si Marco o Caleb ang maghahatid sa iyo pauwi. Mukha namang mabait yoong binata dahil binuhat ka nya na nakalagay sa iyo ang jacket nya." What the? Hindi sila Marco?
"Nagpakilala ho ba sa inyo?"
"Oo iha, Joaquin ang pangalan niya."
Nang makarating ako sa unang klase ay malata padin ang pakiramdam ko. Parang kinakabahan na malungkot na ewan. Noong magrerecess na ay bumili ako sa cafeteria at duon na kinain sa sunod kong klase. Nakasalubong ko si JV at Troye habang naglalakad kinausap nila ako pero hindi ko mawari kung sumagot ba ako o hindi. Pagkakain ko ng tinapay at juice ay umubob lang ako sa desk dahil sumakit ang mata ko. Parang tumitibok. Wala padin naman ang prof kaya okay lang.
Hindi ko namalayang nakatulog ako at naalimpungatan lang nang may umuga sa kanang balikat ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita si Caleb. Pamilyar na kurot ang naramdaman ko sa aking dibdib.
"Kanina ka pang tulog. Baka madatnan ka ng prof." Sabi nya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at umayos ng tayo. Si Caleb at si Theo dapat ang kaklase ko dito pero di ko namataan si Theo.
"Asan si Theo?" Tanong ko sa kanya. Sya kasi ang nakaupo sa upuan nito na nasa tabi nya.
"Bakit?" Tiningnan sya nito sa mata. Nagiwas ako at umiling sakto namang dumating na ang Prof kaya hindi na nya ako kinausap.
Ipinikit ko ang mata ko at minasahe ang aking sintido. Walang pumapasok sa isip kong kahit isa sa tinuturo nya.
"Who brought you home? Bigla ka nalang nawala." pabulong nyang sinabi yan. Kahit na wala akong ganang sumagot ay sinagot ko padin. Duh, It's Caleb! Kahit naiinis ako ng slight sa kanya dahil sa nakita ko, mahal ko padin to.
"Joaquin."
"Joaquin? Who's Joaquin?" Batid ang pagtataka sa tono ng boses nya. Nanatili akong nakapikit at minamasahe ang sintido ko.
"Basta. Kilala ni Marco."
"How about you? Kilala mo ba sya? What's his surename?" Ang dami namang tanong neto oh.
Huminga ako ng malalim bago sumagot." Oo kilala ko." Simpleng sagot ko. Hindi sa ayoko sya kausap. Iba lang talaga ang pakiramdam ko ngayon.
"Kilala mo? You don't even know his surename!" Inikot ikot ko ang ulo ko. Ughhh.
BINABASA MO ANG
Agonizing reality
Teen FictionAzelea Cortez has fallen head over heels for Caleb Villafranco, who seems that he couldn't care less. But Azelea is a real fighter and she wouldn't give up anything without putting up her best fight. Though, It's long and tough, she vowed that she w...