Tres

14 0 0
                                    

You'll be able to find typos in this chapter.
--------------------------
TRES - Nakakainis

"Likot kasi. Brat talaga." Kahit pabulong ang pagkakasabi noon ni Nate na nasa likod ko ay rinig ko padin.

"Ano?! " Galit akong lumingon sa kanya at sinubukang hagipin sya para sana sabunutan pero lumayo agad at naramdaman ko ulit na kumirot ang paa ko.

"A-ack!.." Daing ko. Loko kasi netong si Nate na stupid eh.

"Wag kang malikot." Seryosong sabi ni Caleb na nasa paanan ko. Shet kinikilig na naman akoooo. Agad na naginit ang mukha ko at hindi napigilang mapangiti.

"Eh! Caleb naman. Kinikilig ako." Sabi ko sa kanya. Wala syang ibo at hindi iyon pinansin. Okay lang, I know he heard it naman. Hihihi.

"Iba na talaga." Dinig kong sabi ni Nate. Ngumingisi sya sa amih habang bumababa ng bleachers at nakalagay sa tenga ang cellphone.

"Stupiiid." Bawi ko sa kanya.

"Pare, dito lang ako ah." Sabi nya kay Caleb at nilingon sya nito. Itinuro ni Nate ang cellphone nya. Hinintay nyang tumango si Caleb at saka umalis. Kinindatan nya muna ako bago nagtuloy. Useful din naman pala tong si Nate eh kahit may pagkastupid.

Siguro ay yoon ang kanyang bagong 'chikas' kuno. Yung kausap nya sa cellphone. Ewan ko kung ano pangalan di pa nya pinapakilala eh. Chichikahin ko nga pala sya tungkol doon. Baka bukas, pupunta naman ako sa party ni Keisha. I don't care kung invited o hindi. Basta nandun si Caleb, I should and will be there. Baka pormahan pa sya ng ibang babae dun no! Pati sasama ako maalin sa mga players hahahaha. Madali naman sabihing kasama nila ako eh.

"Pupunta ka dun sa party ni Kesia bukas, right?" Panimula ko sa kanya.

"Bakit? Hindi ka naman invited." Aw, ang sakit naman nun. But I can handle it naman hahah.

"I don't care. Kung pupunta ka, pupunta ako." Sabi ko sa kanya habang sinusubukang iibo ang aking paa.

"Ah.." Ipit kong ungol dahil masakit pa din. Talaga atang nasikli.

"Tsk." Kinuha nya ang paa ko at inikot ikot yoon ng dahan dahan.

"Ouch.." Daing ko sa kanya. Napatingin sya at halos manlambot ang tuhod ko nang nakita ko ang mga mata nya at kabuoan ng mukha nya. Perpektong perpekto ang pagkakagawa dito ng Diyos at tila wala kang mahahanap na pagkakamali. Mabuti nalamang at ako ay nakaupo.

"Ayos lang.." Sabi ko. Alam kong nakikita nya ang pamumula ng aking mga pisngi o baka ng aking buong mukha. Mas magaling na makita nya para malaman nya na malakas talaga ang tama ko sa kanya.

"Stop staring." Sabi nya at bumalik sa ginagawa nya. Hindi ko alam kung talagang umeepekto ang ginagawa nya o dahil sya, si Caleb Villa Franco na mahal na mahal ko ang nagmamasahe sa paa ko kaya nawawala wala ang sakit.

"Tumatawag ako sayo kanina. You're not answering."

"Nakakatamad. " sabi nya.

"Tinatamad kang gamitin ang cellphone mo? Magaling pang hindi ka n--" Pinutol nya ako.

"Nakakatamad makipagusap kapag hindi mo gusto ang kakausapin mo." Naramdaman ko ulit ang pagpisil sa puso ko. Okay lang yan Azelea. Lalambot din ang puso neto sayo.

"Hmph! Sa susunod sagutin mo na." Sabi ko sa kanya at hindi na sya sumagot.

"Teka! Nakalmot kita kanina diba? Patingin nga!" Inangat ko ang t-shirt nya sa may bewang kahit na umaapila sya at nakitang may kalmot nga doon at medyo dumudugo.

"HALA! OH MY GOSH CALEB. I'M SO SORRY, DEAR!" Nagpanic ako. Nasugatan mo sya, Azelea! Ang lakas mo tumawag ng stupid kay Nate eh etomg ikaw naman talaga ang tunay na stupid!!

Agonizing realityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon