Chapter 4

6.6K 144 0
                                    

Michelle's POV


Tahimik akong nakatayo sa labas ng building ng mga Jimenez. Isang 60 Storey Condo building na may sobrang higpit na security. Halos isang oras na nila akong kinakausap kung para saan, bakit at sino daw ako para kausapin si Zeus.


Hindi ba nila ako kilala? Ako ang sikat na anak ni Edwardo Valiente!


Napayuko ako ng maalala ko yung nangyare sa amin. Parang isang malagim na bangungot sa gitna ng isang magandang panaginip. Sobrang ganda ng buhay namen kaya hindi ko akalain na mangyayare to.


Napahawak ako ng mahigpit sa maleta ko. Naiiyak nanaman ako dahil iniwan ko sila Dad at Mom sa ganung sitwasyon pero kung ito ang paraan para maisalba si Dad gagawin ko. Kahit...kahit...ibenta ko pa ang katawan ko handa kong gawin.



Napaupo ako sa harap ng building at halos lahat ng tao napapatingin saken. Mukha siguro akong kawawa.


Napatingin ako sa billboard at nandun ang sobrang gwapo na si Zeus Jimenez. Nakasuit siya na hubog na hubog sa katawan niya. Halatang may malaki siyang katawan kahit nakatago yun. Siguro inuubos niya yung oras niya sa gym habang yung mga tao niya nagpapakamatay sa trabaho para lang madagdagan yung yaman nila kada segundo. Hindi din siya nakangiti at sa mukha niya akala mo na siya ang pinakamataas na tao na nabubuhay. Punong puno siya ng confidence.


Hindi ko din siya masisi dahil sa sobrang yaman nila at sa mukha niya halatang yumuyuko sa kanya ang iba. Gwapo siya at ebidensiya dun ang matangos niyang ilong, hubog ng mukha na binabayaran ng mga movie actor sa mga surgery para lang makuha. May itim at maawtoridad siyang mata na pag tiningnan ka parang handa mong sundin lahat ng iutos niya.


Isa siyang Greek God specimen na iilan lang sa mundo ang nag mamay-ari. ZEUS suits him well. I wonder kung ano ang ugali niya...base sa reaksyon ni Dad at sa mukha niya sa billboard sigurado akong hindi siya mabuting tao.


Tatlo sila na nandun at nakalabel dun ang caption na 'Hottest and Most Successful Bachelor'. Sila ang cover ng isang sikat na magazine. Napatingin ako sa lalaki sa tabi niya na sobrang gandang ngiti.


Si Travis Marco.


Sobrang lambing at tamis ng ngiti niya na halos matunaw na yung puso mo sa kilig. May sweet siyang mukha na makikita mo sa isang TV Show na makakapartner ng isang sweet din na babae. Isa siyang typical boy next door.


Napangiti ako ng makita ko ang mukha niya. Isa siya sa mga tao na pinahahalagahan ko pero dahil sa isang pangyayare nawala lahat yun.



Nagulat ako ng may isang lalaki ang lumitaw sa harap ko "56th floor" sabe niya at agad na pumasok sa sasakyan.


Napatulala ako at ang natira nalang ay yung musky at matapang na amoy ng pabango niya.



Si..


Si.....



Si Zeus.

The Requital PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon