[NEXT DAY]
Zeus' POV
Hindi na ako makatulog kaya agad akong nagbihis at lumabas na ako ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Mom at Dad sa sala ng pad ko kaya agad akong napaatras.
Nandun yung sampung bodyguard ni Dad sa tabi niya habang nandun naman si Mom sa gilid hindi mapakali habang nakaupo.
"Oh my God! Dad kamukha ba talaga siya ni Zeus?!" sigaw ni Athena kaya mas lalo akong nagulat.
Anong ginagawa nila dito ng ganito kaaga?!
"Athena sabe ko sayo kamukha ko siya! Hindi niya kamukha yung Kuya mo!" sigaw ni Dad.
"Honey kamukha niya si Zeus." sabe naman ni Mom.
"I really want to see Gray! I want to see my niece. Sabe ni Travis kamukha niya daw yung bata" nakapout na sabe ni Athena.
"NO!" nagulat ako ng sabay kameng sumigaw ni Dad.
"What the hell Zeus?! Bakit ba bigla bigla kang nalitaw?!" sigaw ni Dad kaya napayuko ako.
"Sorry Dad. Nainis lang ako sa sinabe ni Athena"
"What? Ano bang mali kung kamukha niya yun?"
Nilapitan ko siya "I'm Gray's father! Not Travis!"
Tumungo siya "I know. He's a married man for God sake Zy. May Xander at Thea na nga tapos nagseselos ka pa rin?" hindi makapaniwala niyang sabe at umupo ng maarte sa couch.
Ano bang sinasabe niya? Who's Thea and Xander?
"What's with the look? Don't tell me hindi mo alam na may pamangkin ka?! HINDI MO ALAM NA KINASAL SI TRAVIS?!" sigaw niya.
What the hell?!
"He's married?!" gulat kong tanung.
"Zeus. Wag naman puro trabaho. Tingnan mo pati kasal ng pinsan mo hindi mo alam. May anak siya na kasing laki ni Gray at 1 year old baby girl. Private lang ang kasal nila at walang nakakaalam nun until pinakilala niya sa isang party ang mga bata" sabe ni Mom kaya tumungo lang ako.
"Well, he's not there kaya hindi niya alam. He's so busy doing nothing" maarteng sabe ni Athena.
"Watch your words Athena. Your brother is doing a great job in handling our business." saway ni Dad kaya napasmirk ako.
"Sorry my bad!"
"Bakit pala kayo nandito?" tanung ko.
"MY GOD ZEUS! WE ARE HERE TO SEE MY GRANDSON!" sigaw ni Dad.
Napaface palm ako at excited akong hinila ni Athena "Come on Zy! I want to see Gray!"
Tiningnan ko si Dad at ngumiti lang siya "We're all excited son."
Tumigil ako at nilayo ko ng konti si Athena. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanila ang gulo ng buhay ko but I need to try.
"Dad the thing is Gray is Michelle Valiente's son not Michelle Santiago. We cancel the wedding--"
"Oh my gosh Zy! We knew that already!" sabe ni Athena kaya tiningnan ko sila "You knew?"
Tahimik lang silang tumungo kaya napakamot ako sa ulo ko. Kelan kaya ako magkakaroon ng privacy sa sarili ko? Lahat ng galaw ko alam nila!
"So can we go now?" tanung naman ni Mom.
"Makinig muna kayo saken. The problem is ako ang nakaregister na ama ni Gray sa birth certificate niya pero ayaw naman siya ibigay saken ni Michelle. Medyo magulo." hindi ko alam pero pag naiisip ko yung pangyayare I want to shout and cry so hard.
All this time may anak pala ako pero hindi ko alam. Now, I need to fight for my right. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Hey young man. You did a great job all your life. We will going to get what you deserve. I will going to get Gray" maawtoridad na sabe ni Dad.
"DAD I ALSO WANT MICHELLE! I WANT HIS MOTHER! I WANT THE BOTH OF THEM! DAD HINDI KO ALAM KUNG ANO NA ANG GAGAWIN KO!" sigaw ko at napaupo na ako at umiyak.
This is the first time I cried in front of them. Lage akong malakas sa harap nila because I'm my Dad's son. I'm Zeus Jimenez pero masakit na eh. I sufferred 4 years. Malungkot, nasasaktan at feeling ko mag isa ko. I love Michelle at alam ko yun pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Ngayon may anak ako pero hindi ko siya mahawakan. Hindi ko mabigay lahat ng gusto niya. Hindi niya ako kilala bilang ama niya. Hindi niya alam kung sino ako. Hindi ko siya mayakap!
I don't know pero feeling ko wala akong kwenta.
"Michelle loves you Zeus. Mahal ka niya. Magiging ayos din kayo" sabe bigla ni Mom at niyakap ako.
Hindi ko alam pero feeling ko isa akong batang nawawala at naagawan ng laruan na kahit kelan hindi ko pa naramdaman.
BINABASA MO ANG
The Requital Princess
RomancePapayag ka bang maging isang bayad utang at nakahanda ka bang tumira kasama ang isa sa mga pinakamayabang at hambog na lalaki na makikilala mo para lang mailigtas ang pamilya mo?