Michelle's POV
Nasa kotse na kame ni Zeus and I'm still thinking about Travis. I love him at aaminin ko natuwa ako ng sabihin ni Zeus na umaasa pa saken si Travis pero...natatakot ako. Everytime I think about him, I feel fear.
Natatakot akong magmahal ulit dahil natatakot akong masaktan. Sinaktan, sinira at pinaasa niya ako. I don't think my Love for him is that strong for me to give him a chance.
"Do you think I should give him a chance?" biglang kong tanung.
Hindi ako tinitingnan ni Zeus but I know he heard me.
"You should. People should take some risk in order to live"
Nakatingin lang ako sa kanya and suddenly I feel like I am to talking to someone who's worth talking to. I feel like I'm talking to Travis. The guy who used to give me some advice about things. The guy who USED to be my bestfriend.
"Pero paano kung natatakot ako? Natatakot ako na baka pag binigyan ko siya ng chance masaktan lang ulit ako"
Nagulat ako ng tingnan niya ako "Ituloy mo pa rin. Love is like a gamble. Kailangan mo sumugal. Kung matatalo ka, masasaktan ka. Kung mananalo ka, sasaya ka. But Love is always about losing. Lage kang masasaktan, kase...kung hindi ka nasasaktan hindi mo siya mahal. Kahit ano ang gawin mong iwas na wag tumulo ang luha mo, may oras na tutulo talaga yan. Kahit gaano mo ingatan ang puso mo, masisira at masisira yan. Love can destroy any person pero..diba kung para sa taong mahal mo naman ikaw masasaktan, it's worth all the pain"
Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya.
"I don't believed in LOVE. I read books about that. It's funny how people give shit about that pero there's one person who make me believe in LOVE."
Nagulat ako dahil akala ko all this time he's a stone. Matigas at hindi nakakaramdam ng emosyon.
"Mahal mo ba siya?" bigla kong tanung.
"No. I just like you and sorry for lying about it earlier."
Nanlaki ang mata ko at bumilis bigla ang takbo ng puso ko.
He's looking seriously at me.
"Zeus..ano bang sinasabe mo?" sabe ko at kinakabahan akong natawa.
I don't know what to say. I'm supposed to be used at this things. MANY guys used to confess at me and I easily rejected them but...right now...I can't even speak a word at him.
"I like you. I don't usually like girls because I want them but I guess you're different."
"Pero..."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano bang dapat kong sabihin?
Hindi ko masabe sa kanya ang lagi kong sinasagot sa mga lalaking nagkakagusto saken.
Hindi ko masabe ang salitang 'Sorry pero may mahal na akong iba'
"We're here" bigla niyang sabe at napatingin ako sa bintana.
Nasa bahay kame. Bahay ko.
Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto at agad naman akong lumabas.
"Zeus. Hindi mo naman kailangan gawin to. May utang sayo--"
"You need to get out of my life. Alam ko kung ano ako sa buhay mo. Just someone na iniinis ka, sinisigawan ka at panira sa buhay mo. I like you big time but you love someone else. Hindi mo na kailangan sabihin yun. Hindi mo na kailangan ipamukha saken. Kung aalis ka sa buhay ko, makakalimutan din kita." sabe niya at ngumiti.
Hindi ako makapagsalita at pinat lang niya ang ulo ko "Just forget about everything Michelle. And by the way...it's nice to meet you" sabe niya at tinalikuran ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatayo lang ako sa labas ng bahay namen habang hinihintay kong mawala yung kotse niya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
The Requital Princess
RomancePapayag ka bang maging isang bayad utang at nakahanda ka bang tumira kasama ang isa sa mga pinakamayabang at hambog na lalaki na makikilala mo para lang mailigtas ang pamilya mo?