AFTER 4 YEARS.
Zeus Jiminez' POV
"Sir. Congratulations..." sabe saken ng mga major stockholder ng iannounce ko ang engagement ko.
Napatingin ako kay Mich at ngumiti.
"Sorry but we need to go" sabe ko at nakangiti na hinawakan ang kamay niya palabas.
"Hon saan tayo pupunta?" nakangiti niyang tanung kaya napatingin ako sa kanya "Kakaen lang tayo.." sabe ko at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.
Nagulat ako ng paglabas namen ng building sobrang dameng ilaw ng camera ang lumabas. Agad kong nilagay si Mich sa likod ko.
"Sir. Totoo po bang ikakasal na kayo?"
"Yes." firm kong sabe at naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Mich sa damit ko kaya tiningnan ko si Greg. I gave him a sign to dismiss the reporters.
"Sir pwede po ba namen malaman ang pangalan ng maswerteng babae na papakasalan niyo? Totoo po ang balita na buntis siya kaya papakasalan niyo siya?"
Nainis ako ng marinig ko ang sabe niya.
"She's not pregnant. My fiance Michelle Santiago is not pregnant"
Michelle Valiente's POV
*KNOCK KNOCK.*
Binuksan ng isang matandang babae ang pinto at biglang lumabas ang isang batang lalaki.
"Mommy" tawag niya saken at agad na nawala lahat ng pagod ko.
"Mabait yan ngayon. Mag iingat kayo pauwi" sabe ni Nanay Fe. Siya yung laging nagbabantay sa anak ko. Isa din siyang Pinoy dito sa Paris.
Tumungo ako at tiningnan ang anak ko "Gray, say bye to Nanay Fe" sabe ko at tumungo ang anak ko at ngumiti "Bye Nanay" sabe niya at hinalikan si Nanay Fe sa pisngi.
Nagpaalam na kame at sumakay ng kotse ko. Tahimik lang si Gray buong biyahe at nakatingin lang siya sa bintana tulad ng dati.
3 years old na siya at mabait na bata. Nakuha niya ang lahat ng katangian ni Zeus bukod sa gray niyang mata. Kahit minsan nasasaktan ako dahil pag nakikita ko siya naaalala ko ang pagkakamali ko. Hindi ako nagsisi na nabuhay siya. Mahal na mahal ko ang anak ko.
"Mommy." tawag niya saken at agad akong napatingin sa kanya.
"Can we have a vacation to the Philippines to see Mama and Papa?" seryoso niyang tanung.
Mama and Papa is my parents. Sa video chat lang sila nagkakausap at never pa talaga akong nagbalak umuwi.
"We'll see" sabe ko at tinabi ko ang kotse sa gilid. Nanginig ako bigla at parang hindi ko na kaya mag drive.
Naramdaman ko ang maliit at mainit na kamay ni Gray sa lap ko.
"Mommy there's nothing to be afraid of. I will protect you" seryoso niyang sabe at hindi ko mapigilan na maiyak.
Niyakap ko agad ang anak ko. Matalino siya at naintindihan niya agad na wala kameng space sa buhay ng Daddy niya. Nung time na nagtanung siya saken at nakita niya akong umiyak hindi na niya ulit binanggit si Zeus.
Nag drive na ako pauwi at binuksan ko agad ang TV sa bahay. Natigilan ako ng makita ko si Zeus sa news.
Magpapakasal na siya.
Agad akong napabitaw sa hawak kong baso dahilan para mapatakbo saken si Gray.
"MOMMY WHAT HAPPENED?!" sigaw niya at hinawakan ang kamay ko.
Agad ko siyang niyakap "I love you Gray" naiiyak kong sabe at niyakap siya ng mahigpit.
Siya nalang ang meron ako. Si Gray nalang ang natitira saken.
All this time, tama ako. Tama ako na wala nga kameng space ng anak ko sa buhay ni Zeus.
BINABASA MO ANG
The Requital Princess
RomancePapayag ka bang maging isang bayad utang at nakahanda ka bang tumira kasama ang isa sa mga pinakamayabang at hambog na lalaki na makikilala mo para lang mailigtas ang pamilya mo?