Chapter 26

6.2K 157 1
                                    

Zeus' POV


"Good morning" sabe ni Dad sa Daddy ni Michelle pagdating namen sa bahay nila at nagulat ako ng ngumiti si Mr. Valiente kay Dad.


"Ang formal mo naman pare. Pasok na kayo" sabe niya kaya nahihiya akong lumapit sa kanya.


"Good morning sir" bati ko at nagulat ako ng tapikin niya ako sa balikat.


"Stop the formality Zeus. Matapos ang lahat kayo pa rin naman ang tumulong saken. Tinulungan rin ako ng Daddy mo para makabangon bukod sa pagpapautang saken. I guess hindi ka lang naturuan kung paano maging mabait sa mga akala mong kaaway niyo" natatawang sabe ni Mr. Valiente kaya awkward akong tumawa.


"Sorry sir for what happened. I guess immaturity is the cause" pagpapakumbaba ko.


"Spoiled kase" sabat ni Athena kaya tiningnan ko siya ng masama.


"Okay na! Okay na!" sabe ng Dad ni Michelle at niyakap ako "Sayo lang ako may tiwala. Nakita ko kung gaano mo alagaan ang yaman niyo kaya alam kong aalagaan mo ang anak at apo ko"


Tiningnan ko siya at hindi ko maiwasan na mapangiti "Thank you sir." sabe ko.


Tumungo lang siya at dumiretso na sila ni Dad sa loob habang nagtatawanan.


"You can do it son" sabe ni Mommy at hinawakan ang kamay ko kaya nabawasan ng konti ang takot ko.


Umupo na kame sa sala nila at halos lumundag ang puso ko ng lumabas si Gray na nakapantulog pa. Hawak hawak niya yung isang remote control na kotse habang kinukusot niya yung mata niya.


Napangiti ako at gusto ko na siya tawagin pero pinigilan ko lang yung sarili ko.


"Oh my gosh! He's Zeus!" sigaw ni Athena at napatayo pa sa upuan kaya sinaway siya ni Daddy dahil nagulat si Gray ng mapatingin sa kanya.


"Be quiet Athena. Tinatakot mo siya" sabe ni Dad at ngumiti lang kay Gray.


"Papa.." natatakot na sabe ng anak ko kay Mr. Valiente at umupo siya sa tabi nun habang nagtataka niya kameng tiningnan.


Natigilan siya nung tingnan niya ako at nagulat ako ng ngumiti siya saken. Halos tumigil ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya napahawak ako sa kamay ni Mom.


"Daddy is here! Mommy! Daddy is here!" sigaw niya bigla at tumakbo paalis kaya napatingin ako kay Mr. Valiente.


"Is he talking about me?" hindi ko makapaniwalang tanung at tinuro ko pa ang sarili ko.


Tumungo si Mr. Valiente "I guess Michelle already discuss the problem with your son. Matalino si Gray at naiintindihan niya ang mga bagay bagay"


Napangiti ako at napatungo naman si Dad "Good to hear that" sabe ni Dad.


Lumabas na si Michelle kasama yung Mommy niya at may masama siyang mukha. Nakasimangot lang siya "Good morning" bati niya kaya napatungo kameng lahat.


"Good morning everyone!" masayang sabe ni Mrs. Valiente para maalis ang tensyon sa paligid.


"Maghahanda lang ako ng pagkaen" sabe niya at tumayo naman si Mommy at hinila niya si Athena "Tutulong kame" nakangiti niyang sabe at nagpaalam na sila para pumunta sa kusina.


Umupo lang si Michelle sa tabi ng Daddy niya kaya hindi ko maiwasan na mapayuko.


"MOMMY!" agad akong napatingin kay Gray ng lumabas ulit siya at namumula na yung pisngi niya kakatakbo.



"Gray behave." masunget na saway ni Michelle kaya natahimik si Gray at umupo siya ng maayos sa tabi ni Michelle.


"It's fine young lady." sabe ni Dad at lumapit kay Gray para buhatin "You got my eyes baby boy!" sigaw ni Daddy at kiniliti niya yung tagiliran ni Gray kaya agad na natawa ang anak ko dahilan para mapangiti kameng lahat bukod kay Michelle.


"I'm your grandpa Gray. You can call me Paps!" natawa si Mr. Valiente pero tahimik lang kameng nakatingin sa kanila.


"Paps! We have same eyes!" masayang sabe ni Gray kaya napatawa ng mas malakas si Daddy na bihira niya gawin.


"That's why you're my grandson!" proud na sabe ni Dad at nagulat ako ng ituro ako ni Gray "You're Daddy's Papa?" tanung niya.


Tumungo si Dad at lumapit siya saken "Yes. Zeus introduce yourself to your son! Don't sit there like an idiot!" utos ni Dad kaya mabilis akong tumayo at binuhat ko ang anak ko.


Agad akong niyakap ni Gray kaya hindi na ako nakapagsalita at naiyak na ako.


Hindi ko alam ang sasabihin ko at nahihiya ako sa lahat ng ginawa ko. Gusto ko magpaliwanag sa lahat ng tao na nakakakilala sa anak ko at humingi ng tawad pero parang kahit isang salita wala akong masabe.


"Daddy" sabe bigla ni Gray kaya tiningnan ko siya.


"I love you Daddy!" sabe niya kaya hinalikan ko lang yung pisngi niya at umiiyak lang ako.


"I.....love--love you son" pautal utal kong sabe at niyakap ko lang siya.

The Requital PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon