Michelle's POV
"Ang gwapong bata naman nito!" sabe ng isang matanda sa gilid namen ni Gray kaya ngumiti ako.
"Anong pangalan mo iho?" tanung ni Nanay.
"Gray Valiente" seryoso niyang sabe kaya pinat ko ang ulo ng anak ko.
"Good baby.." sabe ko at pumikit habang hawak hawak ko ang kamay ng anak ko.
"I can see it Mommy" sabe niya bigla kaya napatingin ako sa bintana ng eroplano.
"We're here" sabe ko at hinalikan ang pisngi niya kaya mabilis siyang ngumiti. Sobrang ganda ng ngiti niya na bihira niya ipakita.
"I'm excited to see Mama and Papa!" sabe niya at tumingin ulit sa bintana.
Ako din anak. Miss ko na sila. Namiss ko ang Pilipnas.
*******
"APO!" sigaw ni Daddy at mabilis na tumakbo para buhatin ang anak ko.
"PAPA! PAPA!" masayang masayang sigaw ni Gray at tumalon pa kay Daddy kaya napangiti nalang ako.
"Kamukhang kamukha ni Zeus ang anak mo Michelle" sabe ni Mommy kaya tiningnan ko siya at pilit akong ngumiti.
Hinawakan niya ang kamay ko "Gray is worth all the sacrifice." sabe niya kaya lumakas ang loob ko.
"Mama!" sigaw ni Gray at mabilis na bumaba kay Daddy para lapitan si Mommy.
"Ngayon ko lang siya nakita na sobrang saya. Usually tahimik at kalmado lang siya sa lahat ng oras. Nagmamasid lang siya at never niyang pinakita sa ibang tao na masaya siya bukod saken"
Inakbayan ako ni Daddy "Akala ko mukha at tindig lang ng Jimenez ang nasa kanya pati pala ang ugali nila. Ganyan na ganyan ang mata ni Carlos Jimenez. Kagaya ng kay Gray" sabe ni Dad kaya napatingin ako sa kanya.
"Ganyan ang mata ng Daddy ni Zeus?"
Tumungo si Dad at pinisil ng mahina ang braso ko "Pasaway ka Michelle! Hindi mo manlang binigyan ng palantandaan ng Valiente ang apo ko!" sigaw ni Daddy.
"Dad naman! Kamukha mo buhok niya!" pagbibiro ko kaya natawa siya at pareho kameng napatingin sa anak ko.
Masaya ako dahil ayos na ang lahat. Walang problema. Back to the industry na ulit ang company namen at masaya na kame ng anak ko.
"Mommy!" sigaw ni Gray at kumikislap ang mata niya sa tuwa.
Umupo ako para maging kapantay ko siya "What is it?"
"PAPA GAVE ME THIS!" sigaw niya at excited na pinakita ang remote control na kotse niya.
Ngumiti lang ako at tumungo. Nilaro niya agad yun at tiningnan ko ng masama si Daddy. Umiling lang siya at tumawa. Hindi manlang niya hinintay na ibigay yun kay Gray sa mansion. Talagang dito pa sa airport.
"Kukunin ko lang yung kotse" sabe ni Dad at umalis na siya.
"Oh no!" sigaw ni Gray ng mapunta sa malayo yung kotse.
Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya at pinanuod na habulin niya yung kotse.
Tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makita ko si Greg. Yung butler ni Zeus.
Tumigil sa paa niya yung sasakyan at agad akong napahawak sa kamay ni Mommy. Nabato ako at halos hindi ako makahinga sa kaba.
Nagulat si Greg ng makita niya si Gray pero ngumiti siya at binigay yung kotse sa anak ko. Nawala yung ngiti ni Gray sa mukha at seryoso niyang tiningnan si Greg.
Kinakausap siya ni Greg at tumutungo lang ang anak ko. I guess tinanung ni Greg kung ilang taon na si Gray dahil nag hand sign si Gray ng 3 at mabilis na umalis.
Pinapanalangin ko na wag muna dumiretso saken ang anak ko dahil hindi talaga maalis ni Greg ang tingin niya kay Gray.
Bitbit na ni Gray yung kotse niya at dahan dahan na pumupunta saken.
Halos makahinga ako ng maluwag ng mapansin kong umalis na si Greg.
"Mommy. You look pale" sabe ng anak ko nung makarating siya saken at napansin kong napatingin saken si Mommy.
"Michelle your Dad is here. Tara na" sabe ni Mommy kaya mabilis kong hinila si Gray paalis.
BINABASA MO ANG
The Requital Princess
RomancePapayag ka bang maging isang bayad utang at nakahanda ka bang tumira kasama ang isa sa mga pinakamayabang at hambog na lalaki na makikilala mo para lang mailigtas ang pamilya mo?