Chapter 2

85 7 1
                                    

I'm about to knock at his door nang kusa itong magbukas. Oh, si Andrew pala.

"Hi Andrew" bati agad ni Steph sa kaniya at nagkatinginan lang kaming tatlo nina Luis at Dyan.

"Uh hello" sagot ni Andrew ng ngiting-ngiti at tiningnan ko siya ng masama na para bang binabalaan dahil alam ko ang kahulugan ng mga ngiti niyang iyan.

He is Andrew Evangelista! The town's well-known bad boy.

"Uhh. H-hi ate Kemz. Nasa loob si Kuya may pinapabili lang siya sa'kin" sabi nito at sasagot pa dapat ako ngunit sumingit na naman itong si Steph

"Let's go. Samahan na kita"

Hindi pa man din nakakapagsalita si Andrew ay agad na siyang hinila ni Stephanie kaya napailing na lamang ako.

"Grabe. Ang bilis ni Steph pagdating kay Andrew" sambit ni Dyan at nagtawanan kaming tatlo.

Pumasok na kami sa condo ni Charles. Nilapag ko muna ang mga binili namin sa lamesa sa kusina at dumiretso na ako sa kwarto niya. Si Dyan at Luis naman ay nanonood sa sala. Feel at home yan dito. Actually lahat kami sa bahay ng isat isa. Hahaha

Kakatok pa lang dapat ako sa pinto ni Charles ngunit napatigil ako dahil sa naririnig kong may kausap siya

"Basta ayoko" yan ang huli kong narinig at bigla niyang binuksan ang pinto.

"Bi?" bungad niya na para bang nakakita ng multo.

Well, expect the unexpected.

"Pumunta kami dito kasi kanina ka pa hindi nagtetext at sobra mo kong pinag-aalala" sinabi ko yan sa kanya habang naka cross arms pa

"I'm sorry" saad niya at bigla akong niyakap.

Niyakap ko din siya pabalik dahil sobrang na-miss ko siya kahit wala pang 24 hours na hindi kami nagkikita.

"Oo nga pala, nakasalubong namin si Andrew, ayon kasama na ni Steph" sambit ko

"WHAT!?" nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Charles pati sina Luis at Dyan. "Diba sinabihan ko na kayong wag papalapitin yun sa kapatid ko!?"

Hindi kami lahat nakapagsalita dahil sa inasal ni Charles.

"Alam niyo ang ugali ni Andrew. Alam niyong napaka-womanizer ng lalaking 'yon, at alam niyo din na sasaktan niya lang si Steph! Ano ba kayo!?"

Ugh! Isang sigaw pa Charles masasagot na kita.

"Tawagan niyo na si Steph at pabalikin dito!"

Ok. Nanrindi na tenga ko at alam kong alam nilang tatlo ang gagawin ko

"Kagabi mo pa ko pinag-aalala. Kagabi pa ako text ng text at tawag ng tawag sayo pero hindi ka sumasagot. Gusto ko ng madaliin ang oras kanina para makita ka na. Charles, matalino si Steph. Hindi na siya bata at alam niya kung hanggang saan lang siya. She knows her limitations," huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin ko, "May pagkain sa kitchen. Kumain ka na lang. I'll go ahead." kalmado lang akong nagsasalita pero sobrang naiinis na ako.

Who won't? He is overreacting and I am pissed off!  Naglakad na ako palabas at sumunod na 'yong dalawa.

"Bi! Come back! I'm sorry"

Rinig kong saad ni Charles bago tuluyang magsara an elevator.

"Pumunta ako dito para bisitahin siya, hindi para sigawan tayo. Tsk" para naman kasing bata eh.

Tinawagan ko si Steph at sinabing hintayin niya na lang kami sa mall. Alam ko namang doon sila pumunta. Ayaw pa naming umuwi eh. Tutal wala namang pasok bukas. Kanina pa din tumatawag si Charles pero wala ako sa mood para sagutin siya.

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon