Chapter 8

58 3 1
                                    

Matapos kong ayusin ang sarili ko sa rest room ay lumabas na din agad ako. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko at tamang-tama lang dahil 15 minutes vacant na namin.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom nang makasalubong ko sina Ritz at ang mga kaibigan niya. Don't btch me out right now, Ritz. Baka mapatulan kita.

"Kemcee" mataray na panimula niya at sa halip na sagutin siya ay tiningnan ko na lamang siya at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin kaya ipanagpatuloy niya na lamang ito matapos ang pag-irap "Ok look, I'm not here para asarin ko or what," patuloy niya, "Pero natatawa lang ako kasi kung kelan ginive-up ko yung EX mo, saka naman siya nakipaghiwalay sa'yo"

"Thank you for emphasizing the word EX" sarkastiko kong sambit sa kaniya. Badtrip to ah. Nasasaktan ako, hello???

"But that's not what I really wanted to tell you... You're still way better" patuloy niya at saka umalis. What does she mean? Tsk

"Good luck girl!" she shouted from behind at umiling na lamang ako. Hindi ko siya maintindihan. Tsk.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa classroom namin at laking pagtataka ko na madatnan ang kumpulan sa labas nito

"Mukhang mataray"

"Siya ba?"

"Bumaba na standards niya?"

Ilan lang yan sa mga bulungan na narinig ko at pinilit ko ang sarili kong makasiksik sa dami ng estudyante dito sa labas ng classroom namin para lang makapasok pero...

Pinagsisihan ko na nagpumilit pa ako

It's Charles...With a girl beside him holding his hand...

Kemcee, hinga. Alalahanin mo yung sinabi ni Gab...

"PADAAN" "TABI" "PADAAN PO"

Sunod sunod ko itong narinig mula sa likuran ko

"Oh my! KEMCEE HARVEI!!!!" si Steph... kasama sina Luis at Dyan

"Sht!" biglang mura ni Dyan nang mapatingin sa tinitingnan ko at kasabay nito ay ang paglingon ng gulat na mukha ni Charles

"Tara na Kemz!" hila ni Luis sa akin pero hindi ko alam pero para akong napako sa kinatatayuan ko

Muli, hindi ko na napigilan ang sarili kong lumuha. Akala ko masakit na yung nakipaghiwalay siya sakin, mas masakit pala tong nakikita ko

"LETSE KA TALAGA CHARLES!" sigaw ni Steph habang nilalapitan sila

"Hey, Miss. Watch your mouth. Who are you to nag at my man?" mataray na sambit ng babaeng kasama ni Charles

Her last two words are breaking my heart again and again

"my man"

Damn, Charles! Hanggang kelan mo ako sasaktan ng ganito?

"Alam mo, kanina pa ako nagtitimpi sayo! Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa amin" saad naman ni Dyan, "Kemcee, let's go" dagdag niya pa at pilit akong hinihila paalis dito

Tangna naman! Bakit para akong nasemento dito??? Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Gustong gusto ko nang umalis dito pero bakit tila pinipigilan ako ng mga paa ko?

"This is b*llsh*t" nagulat ako nang biglang magsalita ang isang lalaki sa tabi ng bintana pero mas ikinagulat ko nang bigla niya akong hilahin palabas at hindi ko namalayan na nagpapadala na pala ako

"We're not done, b*tch" rinig kong saad ni Steph bago nila kami sundan

Hindi ko na makita ang nasa paligid ko. Basang-basa na ng mga luha ko ang buong pisngi ko at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng taong to bumaba kami sa hagdan at hindi ko namalayan na sa kakaiyak ko habang tumatakbo ay nandito na pala kami sa parking lot

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon