Chapter 19

52 1 0
                                    

Nagising na lang ako bigla dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na tumatagos sa kurtina.

"Ouch"

Bigla akong napahawak sa ulo ko ng kumirot ito.

Ugh. Nakatulog pala ako habang ginagawa yung project na inassign sakin. Tsk

Sobrang bilis ng araw. It's been a week. Hindi ko man lang namalayan. Mas sinubsob ko na din kasi ang sarili ko sa trabaho simula ng gabing yun. At... ang hirap pala. Sobra.

Dumiretso na ako sa CR para makaligo dahil ang sabi ni mommy ay may pupuntahan daw kami. Hmm. Di naman sinabi kung saan.

Hindi na rin ako nagtagal at agad nang bumaba ng marinig ang busena ng isang sasakyan.

"Kemz. Let's go" sigaw ni Kuya mula sa driver seat

Nasa loob na pala sila mommy and I guess kanina pa nila ako hinihintay

"Sorry po" saad ko ng makaupo sa passenger seat at nilingon sila sa backseat

"You should also take some rest, anak" bilin ni mommy dahil alam niya kung gaano ko pinaglalaanan ng panahon ang trabaho. Tipid ko lang itong nginitian at inilipat na ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin

"Saan po ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila ng makalayo na kami

"Mamamanhikan na ang kuya mo. Haha"

"WHAT!?" nagulat ako dahil sa sinabi ni Daddy at paglingon ko kay Kuya ay nakitang magkasalubong na ang kilay niya. HAHAHA

"Who's the lucky one, Mr. Harvei?" pabirong tanong ko kay Kuya at sinamaan niya lang ako ng tingin

"HAHAHA. Akalain mo nga naman, may nagkakagusto pala sayo. HAHAHAHA"

"Kemcee enough. Kanina pa hindi mapakali yang kuya mo. Baka mabangga tayo. Haha"

Saway ni Mommy kaya tumahimik na lang ako. So sino nga? Hahaha

Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa pupuntahan namin. Wow! What a beautiful house.

"Son. Mamamanhikan ka pa lang ganyan ka na? Pano pa kaya pag kasalanan na? Haha"

Napalingon ako kanila kuya at nakitang inaayos ni Mommy ang necktie niya habang si Daddy naman ay tinatawanan siya dahil sa pagiging sobrang kabado niya.

"I really wonder kung sinong babae ang nagkagusto sayo Kuya. Ngayon pa lang naaawa na ako sa kaniya. Tsk tsk"

"Shut up." inis na sambit niya kaya naman tinawanan ko pa siya lalo.

Pero sino nga kaya ang papakasalan ni Kuya? Ni minsan wala siyang nabanggit sa akin.

Pinagbuksan kami ng gate ng isang babae na sa tingin ko ay nasa late 40's. Nasa likod lang nila akong tatlo kaya kitang kita ko kung paano humingang malalim si Kuya bago pumasok.

"Leizeeeel!!" laking gulat ko ng biglang sumigaw ang isang babae na bumungad sa amin, "Alfonso, they're here!"

My jaw literally dropped! WHAT. IS THE. MEANING. OF. THIS?

"Yel!" masayang bati ni Mommy at agad na lumapit kay Tita Yel para makapag-beso, "Where's the soon to be bride?" tanong nito at saka tumawa

Si Daddy naman at Tito Alfonso ay nagbatian din at biniro pa si Kuya.

Naglakad na kami papuntang dining kung saan nandoon na ang lahat. Nakaayos ang lahat at maging ang mga pagkain sa hapag

"Man! Ngayon pa lang, welcome to the family!" masiglang salubong ni Kuya Ash sa Kuya ko at nakipa-high five pa

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon