Chapter 12

54 2 0
                                    

Sa wakas ay nakarating na din kami! Nasa isang resort kami na sa tingin ko ay pag-aari ng kanilang pamilya.

Kasalukuyan akong nasa kwarto at inaayos ang mga gamit ko habang sa baba naman sila nag-uusap.

3 rooms ang ibinigay nila Kuya Ashton sa'min.

Isa para kay Mommy at Daddy at tig-isa din kami nila Kuya. Napatingin ako sa labas nang hawiin ko ang kurtina at namangha ako sa ganda ng lugar.

Nakita ko din ang swimming pool na mula dito sa kwarto ay makikita ang kabuuan niya.

Kinuha ko ang earphones ko at napagdesisyunan ko na ang bumaba.

Nadatnan ko sila sa isang magarang kubo at tinawag ako ni Daddy nang makita ako at agad naman akong pumunta papalapit sa kanila

"Alfonso, this is our youngest, Kemcee" pagpapakilala sa akin ni Daddy at nginitian ko naman si Tito Alfonso habang nakalahad ang kamay ko

Sa halip na abutin niya ito para makapag-shake hands kami ay inabot niya ito para makapagmano ako sa kaniya

"Shakehand is too formal dear" sambit nito sa akin na sinamahan niya pa ng ngiti.

Bahagya akong nahiya dahil sa ginawa ko samantalang narinig ko si Kuya na bahagyang napatawa. What's wrong with you? Tsk.

"One year changed you so fast, the last time I saw you was when your debut" mabait na saad nito at doon ko na nga siya naalala

Kaya pala kanina pa familiar ang boses niya

"From a young lady to a real one. You might like my son" pagkikibit balikat nito na sinagot ko na lang ng ngiti

Oo nga. Siya nga yun! Yung bestfriend ni Daddy at co-worker din na sinama niya noong debut ko. Napangiti naman ako nang biglang maalala ang araw na yun pero bigla din itong napawi nang pati si Charles ay maalala ko...

Isinantabi ko ang mga iniisip ko at nagpaalam ako kanila Daddy na pupuntahan ko muna sila mommy na gumagawa ng barbecue sa kabilang kubo.

Akala ko ba bukas pa yung birthday?

Ah. Dadating din pala yung isa pa nilang anak.

"Hi mi" masayang bati ko nang makita ito na nagpapaypay ng iniihaw nila

"Oh Kemcee. Yel, she's my daughter, Kemcee." pagpapakilala din sa akin ni mommy kay Tita Yel na sigurado akong asawa ni Tito Alfonso

"Liezel!!! Para kayong carbon copy. Your younger version" masayang saad nito sabay lumapit sa akin para lalo pang titigan ang mukha ko

Natuwa naman ako sa compliment na binitawan niya. Sa tuwing ipinapakilala ako ni mommy sa mga kaibigan nila ay ganoon lagi ang sabi, na magkamukhang-mukha kami ni Mommy at natutuwa naman ako doon dahil hindi nga talaga maipagkakakaila.

Sumali ako sa kwentuhan nila at napa-wow talaga ako nang malaman ko na magkakaibigan na pala silang apat since highschool! For me, that's the real friendship goals dahil kahit dumaan na ang taon ay magkakaibigan pa din sila and knowing that mom and dad, tito Alfonso and Tita Yel are highschool sweethearts! Hindi ko mapigilan ang pag ngiti

"May boyfriend ka na ba Kemcee?" biglang tanong ni Tita Yel sa akin na ikinagulat ko

Napatingin din ako kay Mommy pero napangiti lang siya sa akin

"A-ah w-wala po" nauutal na sagot ko at tipid na napangiti

Wala po tita... Wala na po kami... And that's the reason why we are here. Is it?

"Oh! My son, iha. He is also single" saad nito at mapang-asar na ngumti

"Nako Mariel, kaka-break lang yan nila nung ex niya" ani ni mommy na nagpatigil sa ngiti ni Tita Yel at para namang napunit ang puso ko dahil sa katotohanaang yon.

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon