Chapter 13

49 2 0
                                    

"Mi. Punta lang po ako ng mall" paalam ko kay mommy nang madatnan ko silang nag-aayos sa pool para sa birthday celebration ni Tito Alfonso mamaya

"Kemz, you do not know this place. Maybe you need some company?"

"But mi, you're all busy. Magtataxi na lang po ako. I'll take good care of myself, promise"

At heto nga siya ngayon, nakapamewang habang tinataasan ako ng kilay.

Mommmeeehhhh payagan mo na koooo.

"Ok fine. Just be home before 12."

Sa sobrang tuwa ko, dahil sa wakas ay pinayagan na ko ay nayakap ko si mommy ng sobrang higpit. Akala ko aabutin kami ng bukas dito.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad akong lumabas matapos akong payagan ni Mommy. I only have less than 2 hours at sana lang ay mahanap ko kaagad doon ang gusto kong bilhin.

PEEP PEEP

"Fudge!"

Ugh! Ang aga-aga! Sino ba 'tong bwisit na nakamotor na to!?

"Ikaw!" duro ko sa kanya ng makalapit ako pero dahil naka-helmet siya ay hindi ko makita ang pagmumukha niya kahit na nilingon niya na ako, "May balak ka bang patayin ako!?"

AT... UGH! MAKIKIPAGTITIGAN LANG BA TONG BWISIT NA TO!?

Akma na siyang sasakay sa motor niya nang bigla kong hilahin yung leather jacket niya at... Sht! Wrong move!

Bigla akong napalunok dahil sa posisyon naming ngayon. Nakahawak ako sa kaniya at siya naman ay nakahawak sa bewang ko para suportahan ako. Pero sobrang lapit namin!!!

Tinanggal niya na ang helmet niya at... Darn! His eyes... Nose and... and... lips... Muli ay napalunok ako at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"Sa susunod, kung gusto mo kong halikan, just tell me, hindi yung basta-basta kang nanghihila"

Bakit... Bakit nakakaakit yung boses niya?

"Sh*t!"

Agad akong bumalik sa realidad nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko. Si Ralph!

"BASTOS!" sa sobrang inis ko ay itinulak ko na siya palayo at agad na naglakad palayo sa kaniya

"Hey, Kemcee! Hahahaha"

"Ano ba Ralph! Stop following me! Stay away"

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presensiya niya sa likod ko.

Ralph naman! Ang aga-aga pinapasakit mo ang ulo ko! Konti na lang talaga kanina at nahagip  na ko ng pesteng motor niya eh!

"Alam mo ba kung san ka pupunta?" tanong niya habang nakasakay sa motor niya at sinasabayan ako

"Mall" tipid kong sagot dahil naiinis pa din talaga ako!

"Kemz! Hahahahahaha"

"ANO BA RALPH!?"

Uh-oh!Napalakas yata ang boses ko. Kasi naman eh! Aga-aga nambibwisit na. Umiling na lang ako at nagpatiuna na sa paglalakad

"Hey, sorry. Maraming pasikot-sikot dito. I'll give you a ride. Tara"

Tinignan ko siya ng masama. Kung ginawa mo sana yan bago mo ko muntik na masagasaan baka ako pa nakiusap sayong sumabay.

"A.YO.KO"

Naglakad na ako palabas ng resort nila at... bakit gano'n? Sampung minuto na akong nandito pero bakit walang mga sasakyan? Kahit pedicab na lang oh? Wag ko lang makasabay itong asungot na 'to.

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon