Chapter 15

47 1 0
                                    

Black really suits me today. Just a perfect choice. Tsk. Wala na eh. Wala na akong maipaglalaban. Isinuko na niya ako. Pinakawalan niya na ko.

Ang sakit lang isipin na hindi ko alam kung bakit kami humantong sa ganito.

"This will be the last time you'll cry Kemz" saad ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Yes. This will be the last time you'll see me crying. Kasi kung binitiwan niya na ako, I might as well let him go instead of still pushing myself to him.

I don't know Charles, sa lahat ng ginawa mo, hindi ko magawang magalit sayo. Am I this insane?

Umiling ako sa sarili ko dahil sa mga naiisip ko at nang hindi na halata ang pagiging mugto ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ay lumabas na din ako para puntahan ang mga kaibigan ko. Sa tantsa ko ay mahigit tatlong oras na akong wala. Hays

"Hey-ARAY." nagulat ako nang may biglang umakbay sakin kaya nahampas ko ang tyan nito, "Amazona ka talaga!" at agad niya namang tinanggal ang kamay niya na nakabalot sa balikat ko

"Bakit ba kasi bigla-bigla kang nang-aakbay!? Hindi tayo close diba!?" badtrip talaga! Of all people, why him!? Why this guy!?

"Wow!" saad niya habang sinasabayan ang mabilis kong paglalakad, "Matapos mong magpahalik-HMMHMM"

Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya dahil bigla kong tinakpan ang bibig niya

"Itigil mo yang bibig mo, peste ka! Bastos."

Ugh! Nakakainis talaga! Pilit ko na ngang kinakalimutan eh!

"Ako? Bastos? Ba't hindi ko humiwalay? HAHAHAHAHAHA"

"Bwisit!"

Naglakad na ako palayo sa kaniya pero naririnig ko pa din ang halakhak niya. Peste ka talaga RALPH LINCOLN!!! Sabi na nga ba maling tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya eh! Dapat pinasukan ko muna ng mga bato eh!

"Uyy bes. Tagal mong nawala ah? Naenjoy mo yung jail booth? HAHAHAHA" pang-aasar ni Dyan pagkarating ko sa booth namin at tiningnan ko lang siya ng masama

"Ohh bakit salubong kilay mo?. Pangit ba yung nagpahuli sayo? Hindi pasok sa standards mo? Ano? HAHAHAHAHA" sunod-sunod na tanong ni Steph

"O baka naman hindi yung ineexpect niya?" dagdag pa ni Luis habang busy na inaasikaso ang listahan nitong photobooth

"Bakit ba ang sakit niyong tatlo sa ulo!? Nakakaasar naman!" inis kong sagot sa kanila at tinalikuran ko na sila.

Hays buti naman dalawang oras na lang ay pwede na kaming umuwi! Hindi na ako makakatagal sa mga titig na may halong pang-aasar ng tatlong to eh!

"Oh Ralph. Ganap? Naligaw ka dito? HAHAHA"

Agad akong napalingon ng marinig ko si Dyan and darn! Hanggang dito ba naman Lincoln!?

"8 shots with Kemcee" saad nito at binigay na yung bayad kay Dyan

"Ms. Kemcee Harvei" saad ni Steph at tinignan na nila akong tatlo

"No." tipid na sagot ko sa kanila at bumalik ako sa paghahalukipkip

"Ms. Harvei, customers are always right" ani Ralph at nakita ko siyang nakasandal sa wall habang nakapamulsa

"Oo nga Bes! Dali na kung ayaw mong ako ang magvolunteer"

"Kahit sino, wag lang ang lalaking yan. Pero..." bigla silang napatingin ng tumigil ako sa pagsasalita, "sige na Luis. Ikaw na" at inirapan ko lang ang lalaking kulang na lang ay patayin ako sa masamang titig niya

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon