Chapter 20

57 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa condo ni Gab. Tinext ko silang lahat kagabi matapos ang mga nangyari kahapon.

At ito nga kanina pa sila tawa ng tawa nang maikwento ko na ang mga nangyari kahapon

"Letse naman! Kaya ko nga kayo pinapunta para may makausap! Tas tatawanan niyo lang pala ako!"

Nakakainis! Wala din pala akong mapapala sa mga baliw na to

"Kasi naman HAHAHAHAHA Kemcee HAHAHAHA kasi ikaw HAHAHAHAHAHA"

"Tsk. I hate you Gab. I hate you all"

Nakakainis na talaga!!!

"BAKIT BA KASI HINDI NIYO SINABI AGAD NA MAGKAPATID SI CALLIE AT RALPH!?"

"WHOOOOOO HAHHAHAHAHA. Binubuo mo araw namin Kemcee! Hahahahaha"

"Isa ka pa Sean! Bahala nga kayo! Salamat sa tulong ah!"

Sa inis ko ay iniwan ko na sila at lumabas na ako. Dito na lang muna ako sa kusina hanggang sa mahimasmasan sila sa kakatawa. Tsk.

"Hoy babae! Halika na. Pag-usapan na natin yang problema mo! Hahaha"

Wala pa akong limang minuto dito ng biglang dumating si Steph at tawa pa din ng tawa

"Tsk."

"Girl dali na. Hindi na ako tatawa. Hahahahaha"

"I hate you Steph."

Tumalikod na ako sa kaniya at pinatong ko na lang ang ulo ko sa mesa.

Ugh! Tears. Bakit ganito? Wala naman akong makausap ng matino sa mga 'to eh.

"Uyy Kemz. Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Gab at naramdaman kong hinawakan nito ang likod ko

"Oo. Habang kayo halos mamatay na sa kakatawa" inis kong sagot sa kaniya at nang iangat ko ang ulo ko ay nasa harapan ko na silang lahat at seryosong nakatingin sa akin

"Guys seryoso na. Kemz spill" saad ni Dyan at umupo pa ito sa harapan ko

"I want him back..."

Mahinang sagot ko pero alam kong sapat na ito para marinig nila

"Knowing Abby, she won't give him up easily" sambit ni Crisha

...at yun nga ang humaharang sa akin. I'm tired of sacrificing my own happiness for other people. I want to be selfish right now.

"And knowing Ralph, he won't let her go easily" dugtong naman ni Lucas na mas nagpalakas pa ng tulo ng mga luha ko

"Eh diba nga sinabi na ni Ate Callie na lakas ng loob ang kailangan ni Ralph para iwanan yung babaeng yun?"

"Eh Steph, what if gawin niya nga yung sinasabi niyang magpapakamatay siya?" saad ni Luis at inirapan pa si Steph

What if... Just what if, kakayanin ba ng konsensya ko? Syempre hindi!

"Don't worry ako na gagawa no'n para sa kan- ARAY! Bwisit kang tuko ka!"

"So Kemz, ikaw? Anong balak mo?" Baling ni Crisha sa akin

"I don't know..."

"Yan! Yan yung sinasabi ni Callie, Kemz! Don't just let things go. Gumalaw ka din. Gawa-gawa din ng paraan."

"Dyan is right Kemcee. Wag mo na ulitin yung nangyari sa inyo ni Charles dati. You had a big chance of stopping him from leaving you, but what did you do? You just sat and cried"

"Dyan this is different..." Oo. Iba to. Iba to kumpara dati, "mas komplikado"

"Kemcee look, si Ralph, hindi yun basta-bastang nagsasalita, and to be honest with you" saad ni Gab kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko, "sa tagal na ng pagkakaibigan naming lima, siya pa din ang pinakamahirap na basahin, pero isa lang ang nalaman ko sa kaniya na hindi niya sinasabi"

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon