Chapter 11

48 2 0
                                    

Kemcee's POV

Pinilit kong makapagdrive ng maayos pero sa gitna ng biyahe ay hindi ko talaga napigil ang pag-iyak. Bakit nga ba? Umiyak ba talaga ako dahil sa inis ko kay Ralph? O dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil kay Charles?

Hanggang kailan ba ako iiyak ng ganito? Hanggang kailan mo ako sasaktan Charles? Hanggang kailan ako mandadamay ng ibang tao dahil lang sa sakit na 'to? Pagod na pagod na ko, pero pano Charles? Paano ko matitigil ang lahat ng 'to kung patuloy kitang makikita? Paano ko ititigil ang sakit na nararamdaman ko kung mahal pa rin kita?

Wala pang 15 minutes ay nakarating na ako sa bahay. Agad akong bumaba sa kotse at nadatnan ko si mommy sa sala na nagbabasa ng magazines

"Mommy..." tawag ko sa kaniya at agad naman siyang tumayo nang makita ako

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Anak, what happened?" nag-aalalang tanong niya ngunit sa halip na sagutin ko ito ay mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kaniya

Bakit ganito? Akala ko pag kay mommy ako umiyak, magiging malakas ako kahit papaano. Pero bakit mas nagiging vulnerable ako?

I need you so bad, mi.

Umiyak ako sa kaniya hanggang sa naramdaman kong inupo niya ako at sinimulang himasin ang likod ko para pagaanin ang nararamdaman ko

"Anak, look. I know how bad it hurts and how painful it gets but put in mind that you're just 19. You and Charles are too young for this love. You can both make decisions for yourselves and unfortunately, he decided not to have you in his life anymore."

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni mommy habang patuloy sa pag-iyak.

"Sshhh. You still have a long journey in life anak. You will meet other people who are more than willing to take every risk with you. Anak, let go"

Dahil sa mga huling sinabi ni mommy ay mas lalo akong napaiyak. Kumalas ako sa yakap sa kaniya at hinawakan niya naman ang mga kamay ko

"Mommy... How can I let go of everything when I am still in love with him? Mom I can't"

"Right now you can't, but Kemcee trust me, want it and you'll get it. The wound is still fresh anak and it will take time to heal, but do not imprison yourself to him. Be strong enough to let go of what is not important and worth fighting for anymore"

Mom's word are so mesmerizing which made me cry even more. Her words are deep and painful but that's the truth that I need to face.

But how can I let him go mom? When it's not just the memories that keep on pulling me back... But him?

Nahh. Cut it. I know... I am the only one who is still holding on between us and still hoping for everything to come back as what it was used to be and that fact is torturing every piece of me.

Why do these craps need to happen anyway? I just want to love him.. and be loved by him. Is it that hard? Is it that impossible?

Nagpaalam na ako kay mommy na akayat ako nang tumigil na ako sa pag-iyak. Humiga ako sa kama ko at nagsimulang makipagtitigan sa kisame...

Oo Charles. Tama si Mommy na kung gugustuhin kong kalimutan ka, magagawa ko.

Hindi madali Charles, pero pipilitin ko. May mga tao na akong nababalewala dahil sayo... Yung mga taong pinapahalagahan ako at iniingatan nasasaktan ko na dahil sayo... Hindi pwede Charles. Hindi pwedeng pati sila mawala sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko at mayroon itong five unread messages pero isinantabi ko muna ito.

Pumunta ako sa gallery... Dito ko sisimulan ang sinabi ni mommy na 'let go'

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon