Chapter 10

49 3 0
                                    

Another day without him... Another day without Charles Evangelista...

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at iniisip ang mga nangyari kanina and ayon pinagsabihan lang ako ni daddy patungkol sa ginawa kong pagtakas sa school. Siguro naiintindihan din ni daddy... na nasasaktan pa din ako. Hindi ko muna sinabi sa kaniya lahat, maging ang katotohanang may iba na si Charles...

Hindi ko kasi kaya. Napapagod na ko sa paulit-ulit na sakit, sa paulit-ulit na pag-iyak.

Hindi ko din alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko malalabanan ang sakit na 'to. Bakit ba naman kasi sa lahat ng taong manloloko, ako pa yung napiling saktan ng tadhana?

BZT BZT

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag vibrate

1 message received from Unknown

"Hmmm.. Sino naman kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko at binuksan na ang message na natanggap ko

Hope you're doing well... Have a good night sleep.

"Sino 'to?" tanong kong muli sa sarili ko... Hindi man lang nagpakilala... pero hindi na ako nagdalawang-isip na replyan to

Hi. Whoever you are, thank you

√ Message Sent

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko at unti-unti ay napapikit na ako

---

"Good morning Ma. Good morning Ate Mel" bati ko sa kanila pagkapasok ko ng dining at lumapit ako kay mommy para ikiss siya sa pisngi

"Si kuya at daddy po?" tanong ko nang makaupo ako para makapag-agahan

"Maagang umalis anak, may meeting yung kuya mo, and si daddy mo, inaayos yung pag-alis natin bukas"

"OH MY MI!!!! OO NGA PALA. EXCITED NA 'KOOOOOO" masayang sabi ko nang maalala na bukas na nga pala kami mag-out of town

"Well, you should my dear. Tomorrow's trip will be extraordinary" sagot ni mommy ng may matamis na ngiti na lalong nagpa-excite sa'kin

"Mi, can I use my car?" tanong ko sa kaniya habang papunta kami ng parking lot... Nakapang-bahay pa kasi siya, hindi naman niya siguro ako ihahatid ng nakaganyan diba? Note that her pambahay is still pantulog. Hahaha. Pero ang ganda ganda pa din ng mommy koooooo

"Yes you can anak, you can always do" sagot nito at pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse, "you take care, okay?"

"Yes mi. I love you" sagot ko at pinaandar na ang sasakyan

PEEP PEEP

Ugh! Sino ba tong sasakyan sa unahan ko???? Nanadya ba to? Ayaw akong padaanin eh! Tuwing kakanan ako, kakanan din. Pag kakaliwa, kakaliwa din!

PEEP PEEP

Nakakainis na ha!

Nakita ko siyang papasok na sa gate ng school namin. So schoolmate ko 'to? Humanda ka mamaya pagbaba!

Naghanap na ako ng magpagpaparkingan ng kotse ko at mabuti naman ay hindi ko na nakita ang asungot na kung sino mang driver na yun!

Kinuha ko ang gamit ko sa backseat at tiningnan muna ang cellphone ko bago bumaba at kakabukas ko lang ng pinto, hindi pa man ako nakakaapak sa labas ng biglang

PEEP! PEEP!

Bwisit! May balak ba tong patayin ako!? Akala ko naman nawala na, dito pa pala nagpark sa tabi ko!

Destiny's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon